Ynna Asistio mourns death of ex-boyfriend Mark Herras’s adoptive father

Ynna Asistio on answering ex-boyfriend Mark Harras’s call: “Before, noong maghiwalay nga po kami, kapag tumawag siya, hindi ko talaga sinasagot. Pero sa particular na tawag na ito, bigla ko pong sinagot. May pakiramdam ako na parang may hindi magandang nangyari. ’Tapos, yun nga, nabigla ako noong sabihin ni Mark na wala na si Daddy Jun."


Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Ynna Asistio sa ex-boyfriend niyang si Mark Herras dahil sa pagpanaw ng adoptive father ng Kapuso actor na si Jun Herras, noong Lunes, July 28.

Si Daddy Jun ang tumayong ama ni Mark simula noong sanggol pa lamang ang aktor. Siya rin ang nag-encourage kay Mark na sumali sa noo’y nagsisimula pa lang na reality-based artista search ng GMA na StarStruck noong 2003.

Hindi naman nagkamali si Daddy Jun sa pagpasok sa kanyang anak-anakan dahil si Mark ang hinirang na kauna-unahang Ultimate Male Survivor sa naturang reality show.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynna sa grand launch ng “100 Most Beautiful” ng YES! magazine kahapon, July 29, Elements @ Centris, Quezon Avenue, Quezon City.

Ayon kay Ynna, biglang tumawag sa kanya si Mark noong Martes ng madaling-araw upang ipaalam na namaalam na ang kanyang ama.

“Hindi ko po alam kung bakit sinagot ko yung phone ko.

“Matagal na kaming hindi nagkakausap or nagkikita ni Mark.

“Before, noong maghiwalay nga po kami, kapag tumawag siya, hindi ko talaga sinasagot.

“Pero sa particular na tawag na ito, bigla ko pong sinagot.

“May pakiramdam ako na parang may hindi magandang nangyari.

“’Tapos, yun nga, nabigla ako noong sabihin ni Mark na wala na si Daddy Jun.

“Nagulat po talaga ako, kasi very close ako sa daddy ni Mark. Lagi kaming nagkukuwentuhan noong kami pa ni Mark.

“Nakakalungkot lang po isipin na wala na si Daddy Jun, at alam ko na sobrang lungkot na lungkot si Mark sa nangyaring ito.”

DADDY JUN. Alam daw ni Ynna na maraming naging sakit si Daddy Jun, kabilang na ang pagiging diabetic nito.

Sa nakuhang kuwento ni Ynna mula kay Mark, hindi na raw nagising si Daddy Jun mula sa pagtulog nito.

“Kuwento nga ni Mark na pumunta pa raw ng comfort room.

“’Tapos noong makabalik na raw sa higaan niya, hindi na raw nagising.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang po ang mga detalyeng nakuha ko from him.”

Patuloy niya, “Ipinagdasal ko po agad si Daddy Jun. Mabait po siya talagang ama kay Mark.

“Sa mga naging kuwentuhan po namin before, lahat nga raw gagawin niya para lang mapabuti si Mark.

“Lahat ng sakripisyo ay ginawa raw niya para lang mabigay kay Mark ang lahat ng pangangailangan niya.

“At si Mark, lagi niyang sinasabi sa akin noon na mahal na mahal niya ang daddy niya.

“Worried nga ‘yan parati kapag nalalaman niyang may sakit si Daddy Jun.

“Si Daddy Jun po kasi, hindi siya nagsasabi na may masakit sa katawan niya. Ayaw kasi niyang mag-worry masyado si Mark sa kanya.

“Saan man si Daddy Jun ngayon, alam ko na mas masaya na siya.

“Wala na siyang nararamdaman na sakit at kahit wala na siya, alam ko na hindi niya pababayaan si Mark.”



RESTING HEART. Pagkatapos nilang mag-break Mark ay hindi na muna naiisip ni Ynna na magkaroon ulit ng boyfriend.

Ipinahinga raw muna niya ang kanyang puso at mas tumutok siya sa kanyang trabaho.

Pero inamin ni Ynna na may nanliligaw sa kanyang hindi taga-showbiz.

“Hanggang doon lang. Hanggang ligaw pa lang siya.

“Nasabi ko naman na wala muna akong balak na magkaroon ng boyfriend.

“Gusto ko munang i-enjoy ang pagiging single,” ngiti pa niya.



STARTING ANEW. Maayos naman daw ang career ni Ynna sa paglipat niya sa ABS-CBN. Huling teleserye niya ay ang Maria Mercedes na pinagbidahan ni Jessy Mendiola.

Sabi niya, “Marami naman po akong naging guestings.

“Yung kontrata ko naman po sa Dos, trial contract siya. Ite-test muna nila ako sa iba’t ibang shows to see kung saan ako puwede.

“Parang nagsisimula lang ulit po ako.

“It’s okay kasi new environment and I’m making new friends na rin.

“Pero siyempre, nami-miss ko rin ang dati kong TV network. May communication pa naman ako sa mga kaibigan ko sa GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



100 MOST BEAUTIFUL STARS. Natutuwa naman si Ynna dahil nakasama siya sa listahan ng “100 Most Beautiful Stars" ng YES! magazine.

Nakasama siya sa “Sweethearts” category kunsaan ka-level niya sina Kylie Padilla, Janine Gutierrez, Coleen Garcia, Janella Salvador, at Julia Barretto.

Sabi ni Ynna, “Very thankful po ako sa YES!, kasi nga kahit na hindi ako naging kasing active as before, kasama pa rin ako sa listahan nila.

“And it’s great to be in the same league nina Julia, Janine, Kylie, and the rest.

“It’s a big honor for me to be on this list.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN