Eugene Domingo frustrated by box-office results of her serious films; wants to take "semi-sabbatical leave" from movies

Sa isang punto ng presscon para sa pelikula niyang Barber’s Tales ay naging emosyunal si Eugene Domingo. Sabi niya, "Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa inyo o ibebenta ang pelikulang ito. Pagod na akong magbenta, totoo… Natatandaan ko ang mga mukha ninyo, nakita niyo na ako, I’m so tired selling films. If those honors and awards are not enough, I don’t know how..."


Bagamat nakaikot na sa maraming international film festivals ang ipelikulang Barber’s Tales—na idinirek ni Jun Lana at iprinodyus ng APT Entertainment, Inc.—sa August 13 pa lamang ito ipalalabas sa mga sinehan sa Pilipinas.

Sa nilahukang international film festivals ng Barber’s Tales ay nakatanggap na ito ng maraming papuri at karangalan, kabilang na ang pagkakahirang sa bida ritong si Eugene Domingo na Best Actress sa 26th Tokyo International Film Festival.

Sa press conference ng Barber’s Tales kahapon, July 31, sa Victorino’s restaurant, sa Quezon City, sinabi ni Eugene na hindi niya inasahan ang pananalo ng award, lalo na sa international film festival.

Saad ng aktres, “Hindi, hindi ko inasahan.

“Sa totoo lang, kapag nagpapalabas ka ng pelikula sa ibang bansa, wala kang inaasahang pagkapanalo o kung anuman.

“Ayoko lang maging kahiya-hiya, sa totoo lang. Kasi, dala-dala mo ang pangalan ng Pilipinas.

“Makita mo lang na punung-puno, makita mo lang na pagkatapos ng pelikula ay dalang-dala sila at hindi ka nila bibitawan, yayakapin, ipaparamdam nila how honored they are they attended your screening, Filipino film in a festival...

“Hindi ko kasi alam kung paano…”



VERY EMOTIONAL. Hindi naituloy ni Eugene ang kanyang sinasabi sa puntong ito dahil naging emosyunal na siya, na ikinagulat naman ng halos lahat na nasa presscon.

Kilala kasi ang aktres sa kanyang pagpapatawa tuwing nakakausap ng press sa mga ganitong okasyon.

Nang magsalita muli si Eugene ay ipinaliwanag niya kung bakit siya napaiyak.

“I’m very emotional right now… hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa inyo o ibebenta ang pelikulang ito.

“Pagod na akong magbenta, totoo…

“Natatandaan ko ang mga mukha ninyo, nakita niyo na ako, I’m so tired selling films.

“If those honors and awards are not enough, I don’t know how.

“And I even say, it’s going to be my last film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But unfortunately, I signed a contract with Star Cinema, napakatuso ng kontrata. Kaya siguro ako nagiging emotional.

“I don’t know how to sell a movie like this, because this comes once in a lifetime.

“Hindi ko alam kung mabibigyan pa ako ng pagkakataon na ganito.

“Pasensiya na kayo, pardon. I’m so very highly emotional.

“Sabi ko nga kay Direk Jun, nag-uusap kami, ‘Why I am so terrified in my own career than anywhere in the world?’

“Iniisip ko, ‘Ano ba ‘yan, nakaka-insecure. Pero hindi naman basura ang ipapakita mo, ‘di ba?’

“I’m terrified to the bones. Please give us a chance.

“Kahit lima lang ang nasa sinehan, pero lalabas na kumpleto, masaya na ako.

“I can exit, completely.”

Inamin ni Eugene na ang kanyang pagiging emosyunal ay dahil sa mga pelikulang ginawa niya, na kahit sabihing matitino naman, ay hindi nagiging maganda ang record sa takilya.

Aniya, “Oo, totoo ‘yan. Hindi naman ako magsisinungaling.

“It’s frustrating, in a way.

“I’m only human. I’m also an artist.

“I’m basically a fan of creative works na hindi lang puro commercial.

“Siguro, nag-uugat ako sa pinanggalingan namin ni Shamaine [Centenera-Buencamino] na teatro pa rin.

“Hindi naman ako superstar-material. I’m just here to give you what you deserve.”



BARBER’S TALE. Nakilala si Eugene sa pagpapatawa at paggawa ng comedy films, ‘tulad ng Kimmy Dora, Here Comes The Bride, Mamarazzi, Ang Babae Sa Septic Tank, Wedding Tayo, Wedding Hindi, at Momzillas.

Pero paminsan-minsan ay nakakagawa rin siya ng mga seryosong pelikula, kagaya nga ng Barber’s Tales.

Paano napunta sa kanya ang pelikulang ito? Isa ba ito sa masasabing gusto niya talagang gawing karakter o genre?

Lahad ni Eugene, “Two years ago, binigyan ako ng script ni Ferdie Lapus, ‘Basahin mo ang pelikulang ito, kaya lang, kailangan mong magpakalbo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, noong mga panahong yun, 84 films ang ginagawa ko isang taon, hindi ako puwedeng magpaka-kalbo.

“Noong panahon na yun, ‘Dyusko, napaka-in demand ko, bakit ako tatanggap ng pelikulang napaka-drama? Hindi ko pa alam kung ano… wala akong panahon, pasensiya na.’

“’Tapos, after a year, bumalik siya ulit, ‘Baka naman gusto mong basahin?’

“’A, hindi ko sigurado.’

“After ilang months, bumalik si Direk Jun, nag-usap kami.

“Sabi ko, ‘Magkita tayo sa Tokyo, nominated si Nora Aunor at saka si Eddie Garcia, I will present them.’

“Sabi ko, ‘May artista ka na ba? Kasi nabasa ko sa diyaryo, si Kris Aquino ang kinuha mo, kaya lang hindi niya tinanggap. Nabasa ko sa diyaryo.’

“So, marami sigurong naniwala na kay Kris Aquino unang in-offer.

“Pero hindi po totoo yun, kay Meryl Streep po!” biro niya.

Kuwento pa ni Eugene, “So, nag-usap kami ni Direk Jun, ‘Sige na, basahin mo na.’

“Noong binasa ko na ang kanyang isinulat, napatayo ako at napapalakpak ako sa script.

“I think we have a beautiful script. Not only the tale of a barber, but a tale of every one of us.

“‘Ika nga ng mga Pranses na nanood, ‘This is a very important film. How will your fellowmen receive this?’

“Sabi namin, ‘Hindi po namin alam.’”



STAR CINEMA CONTRACT. Pinabigyang-linaw naman kay Eugene ang tungkol sa sinasabi niyang kontrata sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Bahagi pa rin ba ito ng kontratang pinirmahan niya tatlong taon na ang nakararaan, o option to renew ng Star Cinema?

Sabi ni Eugene, “Anong option? Mahusay nga ang pagkakasulat. Akala ko, tatlong taon, nakalipas na, e!”

Hindi niya binasa ang kontrata?

“Tatanga-tanga ako, pero puwede namang makipag-meeting.

Here Comes The Bride 2, puwede na. Puwede nang hingin yun, ‘di ba?

“At saka, maraming-maraming Celebrity Bluff na game show, okey na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ni Direk, ‘Tatlong pelikula, hindi ka na makakalimutan ng mga tao.’

“Pangatlo ko na ‘to, puwede na yun.”



RETIREMENT? Sunud-sunod ang naging tanong ng entertainment press kay Eugene dahil sa ginawa niyang rebelasyon.

Nandiyang pagod na ba siya, mag-aasawa na ba siya, o mayaman na siyang talaga?

Nagtawanan naman ang lahat sa hirit niyang “I did not kill anybody!” mula sa pamosong linya ni Nora Aunor sa pelikulang The Flor Contemplacion Story (1995).

Sabi naman ni Eugene, “Sa akin lang, hindi ko hihintayin na isuka niyo ako. Unang-una, isusuka ko muna kayo.”

Paliwanag niya, “Well, ganito ‘yan, sabi ko sa sarili ko, it takes a lot of courage to be in this business, to give your life, etcetera, etcetera, but hindi ka makaalis-alis.

“Nahihirapan din ako, sa totoo lang.

“Pero sa palagay ko, being in this film [Barber’s Tales]…

“This is not the most enjoyable film, this is not the best environment shooting.

"But when I saw it, when I finally saw the outcome, it gave me a feeling of fulfillment and contentment—and it’s not bad to feel contented.

“As an actor, I’m satisfied with this film. And the satisfaction will be with me for a very, very long time.

“So, I’m deeply, deeply satisfied with this film as an actor, and thank you so much, Direk [Jun Lana].”

Mag-aasawa na ba siya?

Sagot ni Eugene, “Hindi ba puwedeng hindi mag-asawa kapag nag-retire?

“Puwede namang magtanim lang, puwede namang mag-alaga ng aso, ‘di ba?"

Dagdag niya, “I will always be a supporter of Filipino films anywhere in the world.

“It’s just that, sometimes, you have to accept that you’re okay, you’re satisfied.”

Na-burnout ba siya?

“I cannot say na na-burnt-out ako, kasi hindi ka naman mabe-burnout sa trabahong gusto mo.

“It’s just that, ang lakas ng feeling of contentment na, ‘Okay na, quota na.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napakasarap lang na makuntento.

“Hindi naman po ako aalis, I’m always here to support.

“Let me enjoy other things that I want to do.”

Hindi rin naman daw sinasabi ni Uge na nagre-retire na nga siya.

Ang tawag niya sa gusto niyang gawin ay “semi-sabbatical leave.”

At sa kanyang palagay, nakuha na niya ang gusto niya bilang isang aktres.

Ang Barber’s Tales lang daw ang ginawa niyang pelikula sa taong ito, pero ang programa niyang Celebrity Bluff sa GMA ay patuloy niyang gagawin.

Sa kasalukuyan ay nag-aaral din si Uge ng Spanish.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN