Benjamin Alves says he and Pia Wurtzbach are not exclusively dating yet

Benjamin Alves is described by Binibining Pilipinas 2013 first runner-up Pia Wurtzbach as her "partner in crime" during their recent trip together in Baguio City. The actor is quick to add that they had separate rooms.


“We go out on dates. But I don’t think we’re dating officially. We’re not exclusive.”

Ito ang pahayag ni Benjamin Alves, 25, patungkol sa estado ng relasyon nila ng Binibining Pilipinas 2013 first runner-up na si Pia Wurtzbach.

Kasabay nito ay ibinahagi ng Dading star kung bakit magkasama silang nagbakasyon ni Pia sa Baguio, noong August 31 hanggang September 2.

Ayon Benjamin, biglaang out-of-town trip lang ang nangyari, dahil nagkataong pareho silang may libreng oras ni Pia.

“We talked about it naman. Separate rooms and things like that. Very platonic.

“And I have friends over there. She likes Baguio. That’s like one of her favorite places.

“For some reason, we didn’t have taping, so [we] went as friends.

“I didn’t hide it. I even posted some photos on Instagram,” kuwento ni Ben.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 24-year-old Kapuso actor sa presscon para sa Cosmo Bachelor Bash 2014 sa Luxent Hotel kahapon, September 9.

QUICK GETAWAY. Base sa Instagram photos ni Benjamin, kumain sila ni Pia sa iba’t ibang sikat na restaurants sa Baguio.

Nagkaroon din ang aktor ng pagkakataong makipagkita sa mga malapit niyang kaibigan na nakabase sa naturang probinsiya.

Maging si Pia ay nagbahagi ng ilang larawan nila ni Benjamin na magkasama at tinawag pa ang aktor na “partner in crime.”

Patuloy na kuwento ni Benjamin, “We ate a lot. We went to Cafe By The Ruins. That’s my favorite.

“We weren’t able to go to Oh My Gulay, but I heard that’s a really good artisan café.

“Another one of my favorites would be Hillstation.

"When we went there, there was a Kapuso night. There were a lot of people.

"September 1 pala is Baguio day.

“We were not able to go around Session Road so much.

“I wanted to travel Session Road on foot. So, I was able to do that in the morning.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat hindi pa maituturing na eksklusibo ang kanilang relasyon, umaasa si Benjamin na mas magkakaroon sila ni Pia na pagkakataong makilala ang isa’t isa.

“We’re still getting to know each other. We’re still friends. We’ll see.

“And Dading is ending. Last taping is next week. So, I have more time.

“My thing with all of this, over dating, is the timing. And you don’t time it for yourself.

“Probably it’s in the cards that I don’t have taping, and the tapings are gonna end.

“So I have free time—time to get to know somebody. We’ll see,” nangingiting saad ni Benjamin.

COSMO BACHELOR BASH. Samantala, excited na si Benjamin para sa nalalapit na Cosmo Bachelor Bash na gaganapin sa World Trade Center, Pasay City, sa September 24.

Isa ang 25-year-old actor sa mga inaasahang sexy "Cosmo Men Centerfolds" na rarampa nang naka-topless o higit pa.

“If you guys see my picture, my ass is [partly] showing.

“That’s probably the most revealing I’d get.

“But who knows when I come out [on the Bash], I’m gonna come out with less clothes!” natatawang pahayag niya.

Medyo nahihiya pa raw kasi siya nang mapasali siya sa Cosmo Bachelor Bash noong 2013.

Pero ngayon ay sisiguruhin ni Benjamin na mabibigyan niya ng magandang show ang fans na susuporta sa kanya.

Aniya, “I heard there’s gonna be a big crowd.

“Ang daming stories ng Cosmo. I wanna make sure I have my own story to tell.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN