Charice feels unwanted in her own country

Sa mahabang Instagram post ni Charice nitong Sabado, September 27, naglabas siya ng hinanakit kung bakit minsan ay puro isyu na lamang ang pinag-uusapan sa kanya at hindi ang natamo niyang achievements.


Matapos ang pagkakaayos ng relasyon ni Charice at ng nakaalitan niyang ina na si Raquel Pempengco, naglabas naman ng kanyang hinanakit ang Pinay international singer kaugnay ng nangyayari sa career niya sa bansa.

Noong Sabado, September 27, ay nag-post si Charice sa Instagram (@yanchomacho) ng kanyang saloobin sa tila paglamlam ng kanyang karera.

Sinamahan niya ito ng kanyang black-and-white photo.

Panimula niya, “Eto lang nasa isip ko ng ilang taon na hehe. Ang showbiz dito sa Pilipinas, mahirap. Di ko alam ang status ko kung mahal ba ako ng sarili kong bansa o kailangan ko paring i-prove yung sarili ko?

“Sa ilang taon na nagta-trabaho ako, hindi man kasing tagal ng ibang idols niyo, mahirap parin yung pinagdaanan ko. Nakikipag-sapalaran sa bansang di ko naman kinalakihan.”

ISSUES OVER ACHIEVEMENTS. Bahagi ng kanyang mensahe ang tungkol sa mga nagawa niyang tagumpay sa ibang bansa.

Pero tinatanong niya kung bakit minsan ay hindi ito masyadong pinag-uusapan, sa halip ay mas pinagtutuunan ng pansin ang mga isyung ikinakabit sa kanya.

Saad niya, “Napasama ako sa mga malalaking TV shows pero pagdating ko dito, iba parin ang hinahanap sa akin, iba parin ang nilalait sa akin. Pananalita ko, itsura ko, mga sinusuot ko, buhok ko, sekswalidad ko, buhay ko, lahat na.

“Napapagkamalan akong mayabang dahil ba nakatungtong ng ibang bansa? Pinagtatawanan ako dati kasi daw mali-mali Ingles ko. Pati ibang artista (kung pwede lang mag-dropnames) May oras na puro laman ng news ay halos issues kaysa sa achievements na nakukuha ko.

“Kaya kung minsan, nandun yung oras na, parang may wall ako sa harap ko. Straight lang mukha ko. Kasi ayoko na nung time na inaapi at pinagtatawanan ako. Gusto ko may respeto kahit kaunti. Nakikita ko ang mga taong nagmamahal sa akin at nagpapasalamat ako sa lahat.”

FEAR OF SOCIAL MEDIA BULLIES. Isa si Charice sa mainit na usapin sa social media, lalo na noong mga panahong inamin na niya ang kanyang totoong kasarian at sa alitan nilang mag-ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon daw, natatakot siyang magbasa ng posts sa social media lalo na tuwing mayroon siyang performance.

Saad ni Charice, “Pero aminin natin na pag kumakanta na ako dito, nakakatakot buksan ang ibang social networks. Ang daming bully.

“Eto joke ito sa isip ko, natatawa ako pag iniisip pero medyo totoo din; Minsan iniisip ko, kung kamukha kaya ako ng isa sa pinaka-gwapong artista ngayon, tapos same achievements, iba kaya ang trato? Nagsasabi lang po ako ng totoo.

“Ganito na talaga ngayon. Masarap lang ilabas ang nararamdaman pero salamat kay Lord at pinapatatag niya ako.”

Sa huli, nagpasalamat si Charice sa blessings na kanyang natatanggap at humingi ng paumanhin sa mahaba niyang Instagram post.

“Sa lahat ng reklamo ko, hehe (pasensya) kuntento na ako. Basta nandyan yung mga totoong taong nagmamahal sa akin.

“Love you back at patuloy ang buhay! Good night sa inyo at pasensya na kung naduling kayo sa post ko! :-D God bless!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN