Paulo Avelino claims relationship with KC Concepcion is purely friendship

Ayon sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino, hanggang pagkakaibigan lang talaga ang relasyon nila ni KC Concepcion. Pero inamin niyang nagkikita din sila paminsan-minsan.


"Friends" pa rin ang label ng relasyon nina Paulo Avelino at KC Concepcion hanggang ngayon.

Ito ang pahayag ng Kapamilya actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, sa thanksgiving presscon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, ngayong araw, October 2.

Ipinaliwanag naman ni Paulo ang sinasabi niyang “friendship status” nila ni KC.

“’Tulad siguro ng sinagot ni KC sa Kris TV, we’re just friends.

"Nag-uusap naman kami, ever since, hindi naman nawawala yun.

“Kumbaga, wala namang nagbago and siguro... ayun, we’re friends, we’re friends.

"Pareho naman kaming nagtatrabaho ngayon, pareho kaming nagku-concentrate sa trabaho namin, so ganun muna."

Nabanggit ni KC sa September 23 episode ng Kris TV na "best friends" lang ang turingan nila ni Paulo ngayon. Ano ang masasabi ng aktor dito?

Sagot niya, “Magkaiba tayo ng interpretation ng best friends, pero okay na kami dun.”

FRIEND-ZONED? Hindi kaya na-friend zone ang relasyon nila? O ang isa ay gustong may mamagitan sa kanila, pero ang kabilang kampo naman ay hanggang pagkakaibigan lang ang gusto?

Tugon ni Paulo dito, “Hindi naman, dahil we were friends talaga ever since... and yun, parang hindi naman.”

Sa panayam pa rin kay KC, sinabi nitong ayaw niyang masaktan pa kaya kung may makarelasyon man siya ay gusto niyang ito na ang kanyang makakatuluyan.

Reaksiyon dito ni Paulo, “Tama naman, tama naman yung sinabi niya.”

Ibig kayang sabihin nito ay hindi pa siya handang makipag-commit kay KC?

Tanggi ng 26-year-old actor, “No. Committing is different, e.

"Parang siguro, now, andami ring kailangang pagtuunan ng pansin.

"We’re both busy and, yun nga, ’di ba, hindi mo naman malalaman kung sino ang makakatuluyan mo until you give or spend time with the person."

NOT DRUNK. Kamakailan ay kumalat sa Internet ang larawan nina Paulo at KC, kasama ang ilang kaibigan, at sinabi ng iba na tila lasing sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depensa ni Paulo, “Grabe naman, hindi naman lasing.

"Siyempre we were having drinks with friends, and parang hindi naman lasing yun.

“Nagkataon lang na yung promotion ng bar na parang nakunan ng picture.

"Pero it’s not, it’s not... never naman naglasing yun."

Read: KC Concepcion goes out with friends...and Paulo Avelino

Samantala, sa isang panayam kay LJ Reyes, dating girlfriend at ina ng anak ni Paulo na si Aki, sinabi nitong okay naman si KC para sa kanya.

Ano ang masasabi ni Paulo dito?

Aniya, “I’m happy and thank you also for taking care of my son."

ON COSMO BASH PERFORMANCE. Inusisa rin ng PEP si Paulo tungkol sa pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash 2014 last September 24.

May mga nadismaya kasi sa kanyang performance dahil hindi raw siya nagpakita ng kaseksihan, na inasahan ng mga nanood ng show.

Natatawa niyang sagot, “Ang sa akin kasi, sexiness, it’s not about just stripping off or going out in your underwear, going out naked, ’di ba?

"Parang sometimes, nasa aura din na nilalabas mo, na binibigay mo."

Sinabi rin nitong executives kasi ang tema ng Cosmo Bachelor Bash ngayong taon, at bilang CEO (Chief Executive Officer), ito raw ang sa tingin niyang nararapat na pagpapaseksing gawin ng isang namumuno ng kumpanya.

SANA BUKAS PA ANG KAHAPON FINALE. Samantala, matapos ang halos 17 weeks sa ere, matatapos na sa October 10 ang ABS-CBN primetime series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon, na pinagbibidahan nina Paulo at Bea Alonzo.

Ano ang mga natutunan niya mula sa hirap na pinagdaanan nila sa taping ng show?

Sagot ni Paulo, “Siguro ang natutunan ko, minsan may mga mararanasan ka talagang akala mo tapos na yung buhay mo, na parang nawawalan ka na ng ganang mabuhay.

"Huwag ka mawalan ng pag-asa dahil may dumarating talaga...

"Kumbaga, hindi pa tapos ang lahat, may liwanag pa rin sa buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN