Rafael Rosell bats for legalization of marijuana for medical use

Rafael Rosell questions why marijuana use is illegal despite proof that it has medicinal benefits. The Kapuso actor says, “Bakit siya illegal? Wala pa siyang death so far. Alcohol has 80,000 deaths a year sa US, half a million death sa nicotine alone. Marijuana has no death, and it’s known to be a medicine. Why it is illegal?”


May rebelasyon si Rafael Rosell nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Dilim ng Regal Films, Biyernes ng gabi, October 17.

Bukod sa promo ng naturang pelikula at pagiging abala niya sa taping ng Second Chances ng GMA Network, marami raw siyang pinagkakaabalahan sa free time niya.

Saad ng 31-year-old Kapuso actor, “Sa free time ko, tuloy pa rin ang research, tuloy pa rin ang pagwu-workout, surfing.”

Sinundan namin ng tanong kung ano itong niri-research niya.

Sagot ni Rafael, “Yung mga kinu-question ko sa buhay.

“Isa sa mga major questions ko, bakit yung gamot ng cancer, hindi pa nila nire-release?

“May gamot sa cancer. May cure ng cancer.

"Pero sa lahat na ibinibigay natin, bakit illegal?”

Medyo nalito kami sa pahayag na ito ni Rafael kaya inusisa namin kung ano ang ibig niyang sabihin dito.

Ang tinutukoy pala niyang "illegal" ay ang paggamit ng marijuana.

Ayon sa kanya, nakakagamot ang marijuana kaysa sa ibang lumalabas na gamot at ilang nakakasirang inumin, gaya ng alcohol.

“Bakit siya illegal? Wala pa siyang death so far.

“Alcohol has 80,000 deaths a year sa US, half a million death sa nicotine alone.

“Marijuana has no death, and it’s known to be a medicine.

“Why it is illegal?” tanong pa niya ulit.



THE PROOF. Kaya raw patunayan ito ni Rafael.

Nasubukan na raw niya ang bisa ng marijuana sa kanyang inang may sakit na thyroid cancer, at nasa stage 4 na ito.

Kuwento ng aktor, “Ini-extract ko yung oil [ng marijuana] ‘tapos ibinibigay ko ang oil kay Mommy, every day, for two months.

“Ang cancer na for three years na sakit niya, nawala for two months.”

Ngayon daw ay cancer-free na ang kanyang ina.

“She’s healthier. She looks younger than ever.

“She’s happy, wala nang cancer... na walang therapy, ha!” sabi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MEDICINAL USE. Kaya hindi raw maintindihan ni Rafael kung bakit ipinagbabawal ang paggamit ng marijuana, gayong napatunayan daw na talagang nakakagamot ang halamang ito.

Ang sabi pa niya, gamot din sa glaucoma ang paghitit ng marijuana at napatunayan na rin daw iyon.

Kapag nilalaga mo raw ito, gamot din ito sa lagnat at sakit ng ulo, at sa iba pang mga sakit sa katawan.

Ayaw lang sabihin ni Rafael kung saan siya nakakakuha ng marijuana dahil hindi nga niya maintindihan bakit ito ipinagbabawal, gayong napatunayan na nga niyang nakakagamot ito.

“It grows everywhere basically. Isa tayo sa mga major producers, pero hindi lang natin alam kung paano ito alagaan,” aniya.

Kaya masasabing isa raw ito sa mga advocacy niyang sana matutunan ng mga tao, at hindi ituring na illegal substance.

“No plans of introducing the substance mismo, but I have plans of spreading the knowledge and waking people that it’s a medicine,” pahayag ni Rafael.

Nakita naman daw sa kanyang ina kung paano ito napagaling ng marijuana, kaya parang advocacy na niya ito na iparating sa lahat na hindi dapat ipagbawal ang naturang damo.

“I’m just informing you. I’m not here to discuss nor convince anyone that I’m right.

“I’m just here to tell you that there’s a medicine.

“If you believe me, that’s okay. If you don’t, that’s okay.

“I’m not asking you to think like me. I’m not asking you to smoke.

“I’m just asking you to question.

“Bakit legal ang alcohol na walang katinuan sa buhay ng tao, pero itong gamot na ito, bakit illegal?” paulit-ulit na tanong ni Rafael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN