Ruffa Gutierrez and mom Annabelle Rama engage in another Twitter spat

Ruffa Gutierrez to mom Annabelle Rama: "It doesn’t mean that just because you are a mother you have the right to be BASTOS and embarrass your child in front of people!"


Nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa advance birthday dinner party ng ina niyang si Annabelle Rama noong Sabado, October 25, sa 71 Gramercy.

Nalaman ng publiko ang ginawang pag-alis ni Ruffa sa party ng ina nang mag-tweet nang sunud-sunod si Annabelle kagabi, October 26.

Sumentro ang talak ng 62-year-old Gutierrez matriarch sa lovelife ng anak.

Dalawang beses din nitong binanggit na diumano’y “P.G.” ang karelasyon nito, na ang ibig sabihin ay “patay-gutom.”

Narito ang siyam na mga tweets ni Annabelle:

RUFFA REACTS. Kaagad namang sumagot si Ruffa tungkol sa mga pasaring ng ina.

Sinabi ng 40-year-old actress-TV host na hindi pasaporte ang pagiging isang ina upang mambastos ng sariling anak.

Narito ang tweets ni Ruffa:

Matapos nito, sinabi naman ng dating beauty queen na pinaninindigan niya ang kanyang mga sinabi dahil hindi na raw siya bata.

Hindi malinaw kung sino ang pinatutungkulan ni Annabelle na boyfriend ni Ruffa dahil hindi pa naman umamin ang actress-TV host na mayroon na itong bagong karelasyon.

Ang huling napapabalitang lagi nitong ka-date ay ang French-Arab businessman na si Jordan Mouyal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN