Isabelle Daza signs contract with ABS-CBN

Isabelle Daza (in blue and white dress) signs exclusive contract with ABS-CBN and Star Cinema. Present at the contract signing were talent manager Leo Dominguez, ABS-CBN broadcast head Cory Vidanes, president & CEO Charo Santos-Concio, Star Creatives head Malou Santos, chief finance officer Aldrin Cerrado, and TV production head Laurenti Dyogi.


Isa nang Kapamilya si Isabelle Daza matapos niyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN kaninang tanghali, November 24.

Kasama ni Isabelle ang kanyang talent manager na si Leo Dominguez sa contract-signing; na dinaluhan din nina ABS-CBN president and CEO Charo Santos-Concio, broadcast head Cory Vidanes, Star Creatives head Malou Santos, chief finance officer Aldrin Cerrado, at TV production head Laurenti Dyogi

Ayon sa talent manager ni Isabelle, two-year exclusive contract sa ABS-CBN at Star Cinema ang pinirmahan ng anak ni Gloria Diaz.

Ang upcoming TV series na Nathaniel ang magiging unang proyekto ni Isabelle bilang Kapamilya, ayon sa post ng ABS-CBN PR sa Instagram.

Makakasama niya rito sina Gerald Anderson at Shaina Magdayao.

Nagsimula ang hinuha na lilipat si Isabelle sa ABS-CBN mula sa GMA nang magpaalam siya sa Eat Bulaga!

Inanunsiyo niya ang pag-alis sa noontime show noong Sabado, November 22, sa kanyang Instagram account.

Read: Isabelle Daza says goodbye to Eat Bulaga!

Tatlong taon ding naging co-host si Isabelle sa longest-running noontime show sa bansa.

Huling napanood bilang aktres si Isabelle sa NiƱo, at may regular hosting stint din siya kasama si Solenn Heussaff, ang Taste Buddies, sa GMA News TV.

Samantala, matatandaang nakasama noon si Isabelle sa third installment ng pelikula nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, ang It Takes A Man and A Woman, na iprinodyus ng Star Cinema noong 2013.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN