Jose Manalo laughs off online death hoax; wins acting award for a dramatic role

Jose Manalo wins an acting award for his dramatic role. He says, “Actually, hindi talaga ako iyakin, e. Sa kabila ng mga nangyayari sa buhay ko, hindi ako umiiyak, e. Masayahin akong tao, e. Pero kapag sinasabi na ni Direk Bibeth, ‘Kailangan mong umiyak…’ iiyak ako. Pero kapag bumagsak na ang luha ko, okey na, mamaya, ‘eto na naman, iiyak ka na naman. Sabi ko, ‘Komo drama ba kailangan iyak ka nang iyak?’”&l


Kumalat sa Internet ngayong linggo ang balitang yumao na diumano ang TV host-comedian na si Jose Manalo. Atake raw sa puso ang ikinamatay nito.

Pero kaninang tanghali lang, November 25, ay napanood nang live si Jose sa Eat Bulaga!

Panay pa nga ang tawa at pagbibiro niya hinggil sa napabalitang patay na siya.

Aniya, “Ang daming nagtatawagan na mga kamag-anak ko. Hindi po ako patay, buhay na buhay po ako!”

Pabirong nanawagan din si Jose sa kung sinumang may pakana ng nasabing maling balita tungkol sa kanya.

“Itigil na ninyo ‘yan!” tumatawa pa ring mensahe niya.

“Kasi yung mga ganyan, bumabalik sa kung sino ang may kagagawan.”



ACTING AWARD. Bago kumalat ang maling balitang patay na siya, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jose sa PMPC Star Awards For TV na ginanap noong Linggo, November 23, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.

Nanalo si Jose sa karegoryang Best Single Performance By An Actor para sa madamdamin niyang pagganap sa Lenten special ng Eat Bulaga! na pinamagatang “Hulog Ng Langit.”

Ka-tie niyang winner din dito si Arjo Atayde, para naman sa episode na “Dos Por Dos” ng Maalaala Mo Kaya.

Sabi niya, “Happy na akong ma-nominate. Hindi ko na inasahan na mananalo pala ako.

“Kasi nakita rin naman niyo yung mga kalaban ko,” pagtukoy niya sa iba pang nominees.

Ang mga nakalaban nina Jose at Arjo ay sina Carlo Aquino (“Wedding Gown” - Maalaala Mo Kaya), Gabby Eigenmann (“My Psychotic Husband” – Magpakailanman), Zaijian Jaranilla (“Karayom” – Maalaala Mo Kaya), Kristoffer Martin (“Siga Noon, Beki Na Ngayon” - Magpakailanman), Alden Richards (“Kawalan Ng Karapatan: The Dondon Lanuza Story” - Magpakailanman), at Smokey Manaloto (“Kaya Ba Kitang Itakwil?” – Ipaglaban Mo).

Sabi pa ni Jose, “Ang gagaling nila, ‘di ba? Sina Carlo Aquino at Smokey Manaloto, bilib ako sa husay nilang umarte.

“Kaya sobrang masaya sa pakiramdam na nanalo ako. Naka-tie ako ni Arjo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa acceptance speech ni Arjo ay nag-congratulate din nga ito kay Jose.

Sabi naman ng Eat Bulaga! host, “Oo, kasi hindi rin naman ako malayo diyan sa bata na ‘yan, e.

“Nakasama ko rin yung uncle niya nung Boyoyong ako.

“Si Caloy Atayde na tito niya, matagal kong kasama. Halos tumira pa ako noon kay Caloy sa Valle Verde.

“Congratulations din sa lahat ng nominees, kasi sila talaga yung magaling.

“Siguro ako… sa pagdidirek lang siguro ng direktor. Nakalimutan ko nga si Direk Bibeth [Orteza], e.”



DRAMA OR COMEDY? Sa experience niya, alin ba ang mas mahirap, ang magdrama o ang magpatawa?

Sabi ni Jose, “Yung drama kasi okey, e, maganda. Hindi mo ramdam ang tao kung umiyak o hindi.

“Pero yung comedy, ramdam mo, e, kung napatawa mo ba sila, e.

“So, para sa akin, masarap ang drama. Pero mahirap mag-comedy talaga

“Sa drama kasi, puwedeng i-adapt ng tao kung ano yung nangyayari sa buhay nila. Para maiyak na sila, maramdaman nila.

“Yung comedy, kailangang gumawa ka ng isang bagay na makakapagpatawa sa kanila. At hindi ganun kadali iyon.”

Ano ang pinaghugutan niya para magampanan ang mga dramatic scenes niya sa nasabing Eat Bulaga! Lenten special.

Lahad ni Jose, “Nung ginawa ko iyon kasi, halos kamamatay lang ng tatay ko.

“At saka tinuruan ako ni Direk Bibeth na… ilagay mo lang ang sarili mo dun kung ano ang mangyayari.

“Actually, hindi talaga ako iyakin, e. Sa kabila ng mga nangyayari sa buhay ko, hindi ako umiiyak, e.

“Masayahin akong tao, e.

“Pero kapag sinasabi na ni Direk Bibeth, ‘Kailangan mong umiyak…’ iiyak ako.

“Pero kapag bumagsak na ang luha ko, okey na, mamaya, ‘eto na naman, iiyak ka na naman.

“Sabi ko, ‘Komo drama ba kailangan iyak ka nang iyak?’” tawa pa ni Jose.

Dagdag niya, “Nakakapagod ang drama. Iba yung adrenaline pagkatapos, bagsak ka talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero masarap, masarap.

“Kung mabibigyan ako ng oportunidad na magdrama ulit, siguro gagawin ko pa ulit.

“Gagawin ko pa para maiba-iba naman yung ginagawa natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN