Will Sharon Cuneta run for Mayor in 2016?

“Magiging malaking diskusyon ’yon sa family,” says KC Concepcion, daughter of Sharon Cuneta (in photo), on whether the Megastar will run for mayor of Pasay City.


Sa pulitika na raw ang landas na tatahakin ni Sharon Cuneta.

Ito ay ayon sa psychic na si Maricel Gaskell na nakapanayam ng Startalk kahapon, December 27.

Tinanong kasi ng hosts na sina Joey de Leon at Lolit Solis kung makakabalik pa sa showbiz ang tinaguriang Megastar ng local showbiz.

Sinagot naman ni Maricel, “Ita-try niya pero hindi siya magsa-succeed.

“Kasi, ang nakikita ko talaga, by 2016, dapat tumakbo na siya sa politics.

“At saka kahit ayaw niya, talagang nandoon, e.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig sa publiko na posible ang pagpasok sa pulitika ni Sharon, na anak ng dating Pasay City Mayor na si Pablo Cuneta.

Sa isang panayam sa tiyuhin niyang si Senator Tito Sotto, na lumabas sa GMA News noong December 18, sinabi niya na, iniisip niyang kumbinsihin si Sharon na tumakbo bilang mayor ng Pasay City.

Magiging magaling na mayor ng Pasay ’yon,” sabi pa niya.

Dagdag pa niya, “Seryosong iniisip ko, [pero] hindi niya alam. Ako lang, opinyon ko na if I invented her showbiz career, I can also invent her political career if she wants.”

Tila hindi pa nga ito nakararating sa pamilya ni Sharon.

BIG ISSUE. Sa nakaraang press conference ng magiging bagong show ng anak ni Sharon, na si KC Concepcion, sinabi niya na wala pa silang alam tungkol sa posibleng pagpasok ng kanyang ina sa pulitika.

Komento pa niya nang malaman ang tungkol dito, “Naku, mai-stress siya sa ganun.

“Parang wala pa naman kaming napag-uusapan about that."

Pahabol pa ni KC sa huli, “Siguro if ever, parang magiging malaking diskusyon ’yon sa family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN