Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas kiss and make up at DongYan wedding

After their year long rift, Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas make peace at Dingdong Dantes and Marian Rivera’s wedding today, December 30.


Nagkaayos na sina Kris Aquino at Ai-Ai delas na nagkaroon ng hidwaan pagpasok pa lang ng taong 2014.

Nagkrus ang landas ng dalawa sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral of Cubao ngayong araw, December 30.

Base sa Instagram post ng YES! Magazine, namataang lumapit sa isa’t isa, nagyakapan, at nagbeso sina Kris at Ai-Ai sa labas ng simbahan.

Si Kris daw ang unang lumapit kay Ai-Ai.

Nangyari ito bago pa nag-umpisa ang wedding ceremony.

Sabi pa raw ni Kris kay Ai-Ai: “Peace na tayo.”

Bandang February 2014 nang unang magkaroon ng espekulasyong may alitan ang dalawa.

Ito ay matapos tumangging magkomento ni Ai-Ai nang tanungin sa isang presscon tungkol sa pagkakaibigan nila ni Kris.

Isa sa hinihinalang dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan ay ang absence ni Kris noong nagdadalamhati si Ai-Ai, dahil sa pagpanaw ng ina ng komedyana noong December 30, 2013.

Nagkataon kasing nasa London si Kris noong mga panahong iyon.

Mula noon ay hindi na nagkakausap ang dalawa at madalas ding iwas si Ai-Ai na pag-usapan ang isyu sa tuwing natatanong siya ng entertainment press tungkol dito.

Sa kabilang banda, tila nagdilang-anghel naman si Marian Rivera na naniniwalang magiging positibo ang pagkikita ng estranged friends na sina Kris at Ai-Ai sa mismong araw ng kasal ng Kapuso actress.

Sabi ni Marian sa isang panayam kamakailan, “Ay, naniniwala naman ako na itong mga inimbitahan namin ay magiging prayoridad nila ang kasiyahan na nararamdaman namin.

“At saka, nandoon tayo para positive lahat.”

Si Kris ay isa sa mga principal sponsor sa kasal nina Marian at Dingdong, habang si Ai-Ai naman ang kanilang napiling veil sponsor katuwang si Gabby Eigenmann.

Read: Marian Rivera sees no problem having both Kris Aquino and Ai Ai Delas Alas as part of her wedding entourage


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN