Manny Pacquiao gets invitation to judge Miss Universe 2014

Pinoy boxing champ and Sarangani Representative Manny Pacquiao has donated P5 million to Habitat for Humanity Philippines for the construction of 195 houses in Glan, Sarangani.


Hindi pa kumpirmado kung uupo nga bilang isa sa mga hurado ng Miss Universe 2014 ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

May lumabas kasing report na tinanggap na raw ni Pacman ang invitation na maging judge sa 63rd Miss Universe pageant, na gaganapin sa Miami, Florida, sa January 25.

Pero ayon sa Pinoy boxer-politician, wala pa siyang tinatanguang imbitasyon.

“Wala pa. Invited lang ako,” maiksing sagot ni Pacquiao nang makausap siya ng media sa turnover ceremony para sa P5 million donation niya para sa Habitat for Humanity Philippines noong January 5.

Kung sakaling tanggapin ni Pacman ang maging huradosa Miss Universe, siya ang magiging ika-pitong Pinoy na uupong judge sa naturang international beauty pageant.

Ang iba pang Pinoy na naging judge na sa Miss Universe ay sina Gloria Diaz at diplomat Carlos P. Romulo (1974), Josie Natori (1989), Kuh Ledesma (1991), Emilio Yap (1994), at Lea Salonga (2011).

Paniwala ng marami, magiging malaking influence si Pacman para mapanalunan ng Miss Philippines na si Mary Jean “MJ” Lastimosa ang Miss Universe title kung magiging isa siya sa judges.

Pero wala pa ngang confirmation mula sa kampo ni Pacman kung tatanggapin niya ang imbitasyon ng Miss Universe Organization.

Bukod sa pagiging abala ni Pacquiao bilang Sarangani representative, abala rin siya sa pagiging playing coach ng Kia Sorrento team sa PBA.

HABITAT FOR HUMANITY. Ni-renew ni Pacquiao ang kanyang commitment bilang ambassador at spokesperson ng Habitat for Humanity hanggang taong 2020.

Ang kanyang donasyon na P5 million ay gagamiting pondo para sa 195 bahay sa Glan, Sarangani. Dahil dito, maraming pamilya ang mabibigyan ng sarili nilang tahanan.

Tatawaging Pacman-Tata Yap Ville ang gagawing mga bahay sa Barangay Tango.

Ang naturang housing project ni Pacman ay duplex unit na 32 square meters sa bawat 80-square meter na lote.

Ang 2.8 hectare site ay magkakaroon ng multipurpose center, community park, at concrete stage.

Permanent housing ito para sa mga taga-Glan na karamihan ay mga mangingisda at sari-sari store vendors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN