Sunshine Cruz denies leaking latest complaint against Cesar Montano to media

"We filed this case discreetly with just my lawyer dahil ayaw ko sanang lumabas ito sa publiko," says Sunshine Cruz, explaining that she did not talk to the media about her new complaint against estranged husband Cesar Montano.


“I am a mom and protecting them [her children] is my no. 1 priority. Thank you.”

Ito ang pahayag ni Sunshine Cruz tungkol sa paglabas ng bagong reklamong inihain niya laban sa estranged husband na si Cesar Montano.

Read: Cesar camp hints at reason behind ”masturbation” issue

Naghain muli ng reklamong paglabag sa Violence Against Women and their Children (VAWC) Act ang aktres laban sa asawa kamakailan.

Ito ay dahil sa kabastusang ginawa diumano ng actor-director sa harap ng tatlo nilang anak na babae.

Ngunit iginiit ni Sunshine na wala siyang kinalaman kung bakit lumabas ang tungkol dito sa media.

Sa kanyang Instagram account ngayong araw, February 21, ay sinagot ng aktres ang mga paratang na ibinabato sa kanya kaugnay ng pagsasapubliko ng panibagong reklamo niya,

Pahayag ni Sunshine, “I filed this complaint to protect my daughters. They deserve to be loved and to be raised properly.

“Any loving mother would protect and fight for her children to the fullest.”

I am a mom and protecting them is my no. 1 priority. Thank you..

A photo posted by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718) onFeb 21, 2015 at 4:01am PST

Sagot naman ni Sunshine sa isang follower na pumuna sa paglabas sa media ng bago niyang reklamo:

“Hindi po ako kumausap ng media o nagsama ng media ng magsasampa kami ng complaint na ito.

"Hindi pa nga ako nagpapa-interview about this.

"It was just me and my lawyer dahil gusto kong korte ang humusga para mapangalagaan at proteksyunan ang kids.”

Nadismaya rin daw ang aktres sa paglabas ng isyung ito sa publiko.

“I guess public document kasi kaya lumabas.

"I'm disappointed na lumabas ito kasi dapat sa korte na lang ito pag-usapan.

"Pero bilang ang sipag ng kabila magpa-interview, I have to release my simple statement too, pero hanggang diyan lang.

"May tiwala ako sa justice system natin."

Ayon kay Sunshine, hindi niya alam kung paano at kanino nagmula ang paglabas sa publiko ng kanyang bagong reklamo laban kay Cesar.

“No idea who leaked the issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi siya showbiz writer and my kumare messaged me na nasa People's Journal nga daw ang complaint.

"Malaki ang QC court para magturo ako.

"I'm here to protect my kids. Yun lang ang ginagawa ko kaya nga sa korte ko diniretso.”

Muli ring nilinaw ni Sunshine na hanggang ngayon ay wala pa siyang kinakausap na kahit sinuman mula sa media.

“As I've said earlier, hindi pa po ako kumakausap ng media. Yun lamang po ay pinalalabas ng kabila.

"We filed this case discreetly with just my lawyer dahil ayaw ko sanang lumabas ito sa publiko dahil may paniniwala ako na ang mga ganung bagay ay sa korte pinag-uusapan."

Sa huli, sinabi ng aktres na ang kapakanan ng kanyang mga anak ang pinangangalaan niya sa isyung ito.

Aniya, “I'm doing what I know is right for my kids. I can't please everyone.

"Iba kasi talaga sa larangang ito. Lahat po nama-magnify at lumalaki. People get curious and they enjoy scandals.

"Kahit ano pa ang itawag sa akin or i-accuse sa akin ng iba, it doesn't matter anymore because ang safety ng anak ko ang pinakamahalaga sa isang mom na katulad ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN