Zoren Legaspi on wife Carmina Villarroel’s love scene with Paulo Avelino: "Alam niya na hindi ko gusto yun."

Zoren Legaspi: "Lahat ng sumikat, kailangang magbago. Kasi ang sitwasyon, nagbabago. Magbabago talaga sila. Magkakaroon na ‘yan ng cut-off. Huwag mo silang kagalitan doon because time will come that they will deserve that cut-off. Aba, e, superstar na sila."


Ayon kay Zoren Legaspi, mas naging stable ang pagsasama nila ni Carmina Villarroel mula nang ikasal sila noong 2012 pagkatapos ng ilang taong pagsasama.

“Mas naging stable ang relationship dahil alam mong legally bonded na talaga kayo,” sabi ng Kapamilya actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Bilang mister, hindi ba siya nagselos sa intimate scene ni Carmina kay Paulo Avelino sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na Bridges of Love?

Biro ni Zoren, “Madali namang bumawi, e. Puwede rin naman akong magkaroon ng ganyan.

“Hintayin niyo, magsi-six pack ako para ako naman ang may love scene!”

Pero seryosong dagdag niya, “Hindi, alam niya na ayoko nun.

“Pero alam natin na nasa showbiz tayo, kailangang tanggapin.

“Pero alam niya na hindi ko gusto yun.”

Hindi ba nagiging isyu sa kanilang dalawa ang ganoong eksena?

“Hindi ko pinapanood,” pag-amin niya.

Ipinagpaalam ba ni Carmina na magkakaroon ito ng love scene?

“Hindi, hindi niya nasabi.

"Hindi niya nabanggit, dahil siguro alam niyang hindi ko gusto."

LIZQUEN. Kung si Carmina ay nasa Bridges of Love, si Zoren naman ay kasama sa cast ng toprating primetime series na Forevermore.

Kumusta katrabaho ang dalawang bida ng Forevermore na sina Enrique Gil at Liza Soberano?

Ayon kay Zoren, “Palagi kong sinasabi na si Liza at Enrique, mabait na bata at walang reklamo.

“Kasi, simula ng pilot episode and up to now, ang tulog lang ng dalawang bata, mga two, three hours. Na hindi mo sila mariringgan na magrereklamo.

“At doon ako bumilib sa kanila kasi may karapatan naman silang magreklamo, e. Kasi, nakakapagod na talaga.

“Ako, nagrereklamo dahil matanda na siguro ako!

“Kaya bilib ako sa dalawang bata. Hindi ko sila naringgan ng…

“At saka, hindi ako naniniwala na launching soap nila kaya sila ganyan, naniniwala ako na mabait yung dalawa.”

Hindi niya nakikitaan na posibleng magbago ang mga ito pagtagal-tagal katulad ng ibang artista na mababait sa umpisa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Zoren, “Lahat ng sumikat, kailangang magbago. Kasi ang sitwasyon, nagbabago.

“Magbabago talaga sila. Magkakaroon na ‘yan ng cut-off.

“Huwag mo silang kagalitan doon because time will come that they will deserve that cut-off.

“Aba, e, superstar na sila.

“Kailangang ma-maintain na ang beauty ni Liza, kaguwapuhan ni Enrique.

“So, magkakaroon na rin sila ngayon ng karapatan na mag-cut-off.

“E, kung hindi, pagtsinelasin mo na lang pala forever.”

Dagdag niya, “Lahat ‘yan magbabago.

“Magbabago ang pananamit niyan, magbabago ang mga sasakyan.

“Ang pangit lang na magbago sa kanila ay yung ugali at pakikitungo sa tao. Yung may mura na.”

Mayroon ba siyang mga kakilalang baguhan na nang nagkapangalan ay nagbago ang ugali?

Natawa si Zoren saka sinabing, “May mga naririnig ako… well, hindi puwede sa akin ‘yan.

“Pareho tayong nagtatrabaho kaya pareho tayong magsasakripisyo.

“Ang ano lang diyan, merong mas malaking isinasakripisyo, yun lang yun.”

Naniniwala si Zoren na kung may KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), magkakaroon din ng LizQuen (Liza at Enrique).

“Sa vision ko dati, magkakaroon na ng… ‘di ba, meron nang KathNiel, ngayon?‘Eto… na maganda, healthy competition.

“We need that in the business naman.

“Sila yung sa tingin ko na kayang makipag-level sa dalawa, but ahead of the game siyempre yung Daniel and Kathryn.

“Especially with their movies right now na pinanood nina Carmina at ng kambal na nagustuhan.

“Seldom na nanonood yung kambal ng Tagalog movies, pero ito, nagustuhan nila.

“Sinabi nga sa akin, ‘Panoorin mo, Tatay, you should watch it.’”

FOREVERMORE. Dahil sa tagumpay ng Forevermore, ayon kay Zoren ay Book 2 na ang ginagawa nila ngayon.

Inakala ba niya na magiging ganito kalakas ang kanilang teleserye?

Saad ni Zoren, “Siguro yung surprise dito, yung pagtanggap kay Enrique at Liza dahil nag-click sila, e.

“Wala naman silang past na pinagsamahan.

“Ito ang first time and very seldom na nangyari na first time i-launch ang loveteam, nag-click agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, doon ako nagulat.

“Pero malaking credit din ang director. Siya ang nagpapabagay sa dalawa, siya ang nagtitimpla nun.

“So, credit din kay Direk Cathy Garcia.”

Maging ang location na pinagte-teypingan nila sa La Presa, Baguio ay naging tourist attraction na.

“Actually, yung may-ari nga ng bahay dun, naging negosyante na.

“I mean, kapag nagpa-photo shoot ka dun, may bayad na.”

Yun nga lang, habang nagte-taping sila, nandiyan daw na maraming turista at nagpapa-picture. Totoo ba ito?

Sabi ni Zoren, “Hindi naman, para lang kaming may live audience dun.

“Behave naman sila. Kapag sinabing quiet, tumatahimik sila.

“Ang mahirap lang, ang papasok at palabas kasi punung-puno ng tao.

“Hindi ka makakalabas at hindi ka makakapasok.

“Pero, that’s ano, e, yun ang magandang bunga ng show. Talagang pinupuntahan ka ng tao para makita.

“At talagang malaking tulong din sa tourism ng Baguio yung show.

“Baguio is known already, pero nagkaroon siya ng plus points.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN