Vin Abrenica admits tampo with TV5 for prioritizing Mark Neumann over him

Vin Abrenica on comparison with Mark Neuman: "Ang masakit dun, iba pang tao ang nakapansin. Ako naman, hindi pa ako affected. Siyempre he’s my friend. Sila nagsasabi na, ‘Yung runner-up mo, siya yung bini-build up kaysa sa ‘yo ngayon. Well, it’s true and I can see that. I accept it."


Inamin ni Vin Abrenica na may kaunti siyang tampo sa TV5 management dahil tila mas nabibigyan ng oportunidad na umalagwa ang showbiz career ng kanyang kasabayan na si Mark Neumann.

Ito ay sa kabila na si Vin ang naturingang kampeon sa talent search ng TV5 na Artista Academy, habang si Mark ay hinirang na isa sa mga runner-up noong 2012.

Sabi ni Vin, “For me, I have nothing against Mark.

"Mark is my best friend. He knows that.

"He knows he’s my best friend. I love that guy so much.

“Pero for me, honestly, nagtatampo ako sa TV5.

"Nagtatampo talaga ako, kasi yung runner-up ko na si Mark, marami nagsasabi sa akin na press na friends ko, 'Uy, Vin, ano masasabi mo na hindi na ikaw bini-build sa TV5? Iba na, favorite na si Mark,' ganyan-ganyan.’

“Sinasabi ko, I’m actually really proud of him.

"Niyakap ko pa siya nung binalita niya sa akin [na mabibigyan siya ng bagong series]."

Patuloy niya, “Ang sa akin lang, I’m happy kasi nagtutulungan kami ng manager ko [Noel Ferrer].

"Active kami sa paghahanap ng ibang exposure, ng ibang venues na puwede naming makita.

“Tulad ng nagti-teatro ako, gagawa ako ng album, kumakanta ako, na makakadagdag pa sa exposure ko.

“At yun, para sa akin, thankful ako na nandiyan yung manager ko.

“Yun lang masasabi ko, medyo may tampo ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin sa presscon ng Wattpad Presents: Marry You, na ginanap sa Café Juanita, sa Pasig City, Huwebes ng hapon, April 30.

Ipalalabas ang Wattpad Presents: Marry You simula sa May 4, tuwing 9 P.M., sa TV5.


HOPING FOR MORE SERIOUS ROLES. Sa panayam ng PEP pagkatapos ng presscon proper, ibinahagi ni Vin na ito ang unang pagkakataong nasabi niya ang kanyang saloobin kaugnay ng career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat hindi pa niya ito personal na naipararating sa TV5 management, hindi binawi ni Vin ang kanyang tampo sa home network.

“Totoo naman. Ang masakit dun, iba pang tao ang nakapansin, 'Uy, anong nangyari sa ‘yo?'

“Ako naman, hindi pa ako affected. Siyempre, he’s my friend.

"Sila nagsasabi na, ‘Yung runner-up mo, siya yung bini-build up kaysa sa ‘yo ngayon.'

“Well, it’s true and I can see that. I accept it.

“Yun naman ako, I’m expressive.

"What I feel, I say, na nagtampo talaga ako," prangkang saad ni Vin.

Tinanong din ng PEP kung hindi ba sapat para sa kanya ang ibinibigay sa kanyang exposure, gaya ng paglabas niya sa Wattpad Presents: My Fiancé Since Birth, Wattpad Presents: Marry You, at isa pang nakapilang Wattpad Presents series ngayong taon.

Sa puntong ito ay ipinaliwanag ni Vin na mas gusto niya sanang mabigyan ng mas seryosong roles, tulad ng nagawa niya noon sa Never Say Goodbye, Misibis Bay, Beki Boxer, at Jasmine.

Sabi ng 23-year-old Kapatid actor, “No, it’s different pa rin kasi.

“I can say Wattpad is good exposure. Pero it’s limited of the things that you can do.

"You can act, pero Wattpad naman is cutie-cutie.

“[Gusto ko] acting piece ang dating na malalaman nila kung sino ka, what you can do, na mas mapapatunayan ka.”


NOTHING AGAINST MARK. Tila magkaiba naman pala sila ng atake ni Mark, na nalilinya sa mga romantic-comedy series sa TV5.

Komento ni Vin, “Okey rin sa akin yung kilig-kilig once in a while.

“Of course, kilig works for everybody.

"Pero gusto ko, what makes me grow, gusto ko yung matuto ako."

Sa kabila nito, nilinaw ni Vin na wala siyang sama ng loob sa TV5 co-star at matalik na kaibigan na si Mark.

Nahalikan pa nga raw ni Vin si Mark nang ibalita ng huli ang tungkol sa proyektong gagawin nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit ng kapatid ni Aljur Abrenica, “Even if you ask him, nung sinabi niya sa akin, yung reaction ko, kahit tanungin niyo siya.

“I’m so happy for him. All his dreams [are coming true].

“Ako pa nagtuturo sa kanya maggitara, kumanta, [at] kahit manamit.

“I have nothing against Mark. I love him.”


LOVELIFE VERSUS CAREER. Sa tingin ba ni Vin ay nakakaapekto ang pagkakaroon niya ng girlfriend sa kung paano siya i-package ng TV5?

Sagot ni Vin, “They did.

"Ipinaparamdam nila sa amin yun [na factor ang relationship status]. Alam naman nila, aminado naman.

“Kaya ka mala-loveteam sa iba, it’s because [para makapag-offer ng] ibang putahe, something like that.

“Pero for me, hindi naman siya naging hadlang ever.

“Kasi napares naman ako sa iba at maganda naman yung naging outcome ng napares ako sa iba.”

Halos magdadalawang taon na ang relasyon ni Vin sa co-winner niya sa Artista Academy na si Sophie Albert.

At sa loob ng panahong iyon ay nakatulong pa umano ang TV5 actress sa pagiging inspirado ni Vin na maabot ang kanyang mga pangarap.

“When it comes to decision-making in life, having Sophie, isa siya sa pinaka-mature na taong nakilala ko.

“In reaching my goals, she helps me in a way na she’s one of my goals din naman.

“Kung pa’no yung dumadating sa akin na mga hurts, mga pains, and kung paano ko i-handle yung situation, yung lungkot ko, she tells me a lot kung anong gagawin and to comfort me.

“So, para sa akin, towards my goal, she helps me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN