Shaira Mae feels she’s being used in Edgar Allan Guzman-Maxene Magalona loveteam

Shaira Mae pleads to the press not to ask her about boyfriend Edgar Allan Guzman. She explains, "Ayoko na munang magsalita tungkol sa personal life ko, gusto ko tahimik lang. Gusto ko, pag-usapan yung show, yung Baker King, kasi napakalaking proyekto ito ng TV5. And ayoko namang ma-disappoint sila kung pag-uusapan lang natin, e, puro sa kabilang network."


Binigyang-linaw ng TV5 young actress na si Shaira Mae ang isyung nakita raw siya sa ABS-CBN compound.

Aniya, nagpunta siya roon para suportahan ang kanyang boyfriend na si Edgar Allan Guzman, na isa sa celebrity performers ng Kapamilya reality show na Your Face Sounds Familiar.

Nagtataka lang si Shaira kung bakit ngayon lang lumalabas ang isyung ito.

Pakiramdam pa niya ay nagagamit siya para sa bini-build up na loveteam ni Edgar Allan sa kapwa nito celebrity contestant na si Maxene Magalona.

Saad ni Shaira, “Gusto kong i-clear iyan, yung sinasabi nilang nakita ako [sa ABS-CBN].

“Matagal na po iyan, to be exact March 19.

"So, hindi ko po alam kung bakit ngayon lang lumabas iyan.

“Maybe they’re using me for their promo. Pero sana huwag naman nila akong gamitin.

“Kasi ang tagal na nun tapos ngayon lang lalabas.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tinaguriang “TV5 Kilig Princess” sa presscon ng upcoming primetime teleserye ng TV5, ang Philippine adaptation ng hit Korean series na Baker King, na pagbibidahan nila ng ka-loveteam niyang si Mark Neumann.

Naganap ang presscon Martes ng gabi, May 12, sa Wheatberry Bakery Café sa Scout Tuazon St., Quezon City.

Nakiusap na lang si Shaira na hindi muna siya sasagot tungkol sa personal niyang buhay, lalo na tungkol kay Edgar Allan at maging kay Maxene.

“Sa ngayon, ayoko na munang magsalita tungkol sa personal life ko, gusto ko tahimik lang.

“Gusto ko, pag-usapan yung show, yung Baker King, kasi napakalaking proyekto ito ng TV5.

“And ayoko namang ma-disappoint sila kung pag-uusapan lang natin, e, puro sa kabilang network.”

Naaapektuhan ba si Shaira kapag sinasabing hindi siya mapag-uusapan kung hindi mababanggit ang boyfriend niya?

“No, no!” bulalas niya.

“Kasi I have Mark, I have Baker King. Nasa likod ko lang ang TV5.

“Bakit hindi na lang pag-usapan yung Baker King, ‘di ba? Hindi puro sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, may show ako ngayon na Baker King, malaki.

“Basta happy ako sa show ko na Baker King at sa loveteam ko na si Mark.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN