Yeng Constantino excited to host The Voice Kids; puts baby plans on hold

Yeng Constantino on her baby plans: “Mga two years pa po. Two years pa. Siguro uunahin ko po muna ang mga The Voice Kids. Ayoko po munang masabay. At saka ang dami rin po talagang bumubuhos na blessings right now.”


Si Yeng Constantino ang bagong magiging co-host nina Luis Manzano at Robi Domingo para sa The Voice Kids.

Wala pang date kung kailan magsisimula ang airing nito pero nakapag-taping na raw ng dalawang episodes ang Kapamilya singer.

Excited na nga raw si Yeng sa unang beses na pagsabak niya sa hosting. Ito ang unang nasabi niya nang mag-guest nang live kagabi, Biyernes, May 15, sa Aquino & Abunda Tonight.

Ayon kay Yeng, “Sobrang saya po na maka-experience ng panibagong… ibang klaseng trabaho bukod sa pagkanta.

“Dahil sanay po ako sa singing, ganyan. Mga corporate shows at concerts and songwriting.

“Pero ngayon, iba naman.”

Siya ang pumalit kay Alex Gonzaga. Hindi ba siya nahirapan sa kanyang kauna-unahang pagsabak bilang isang host?

Pag-amin niya, “Actually po, iyon nga ang pinag-uusapan namin ng manager ko. Nung sinabi nila yung trabaho sa akin, sabi ko sa kanya, 'Kaya ko ba ‘to?'

“And then he said, 'You know, I trust you and you can do this.' May gano’ng klaseng pressure.

“And… kailangan ko lang po talagang yakapin yung moment.”

Pero sa isang banda ay may baon din naman siya sa pagiging isa sa hosts ng The Voice Kids dahil at one point ay naging contestant din siya dati ng talent search na Pinoy Dream Academy. Bukod dito ay isa nga rin siyang singer at composer.

MIND-BLOWING EXPERIENCE. Kumusta ang mga contestants ng The Voice Kids?

Dagdag pa niya, “Ibang klase na ang mga bata ngayon. Sumasali din po ako sa mga singing contests before.

“Iba na yung line-up ng mga kanta nila. Ibang klaseng genre.

“Iba na yung mga timbre ng boses. Parang medyo nga kapag may mga nag-a-audition napapaisip ako na… ang hirap na seven-years old, gano’n?

“My God! Sobrang mind-blowing.”

PUTS BABY PLANS ON HOLD. Sobrang busy siya sa kanyang career ngayon. Paano niya nabibigyan ng panahon ang kanyang mister na si Yan Asuncion?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inaano po ‘yan… ipinaglalaban!” sabay ngiti ni Yeng.

Hindi pa ba nila planong magkaanak?

“Mga two years pa po. Two years pa.

“Siguro uunahin ko po muna ang mga The Voice Kids. Ayoko po munang masabay.

“At saka ang dami rin po talagang bumubuhos na blessings right now. And gusto po munang ito ang pagtuunan ng pansin,” sabi pa ni Yeng.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN