Ella Cruz admits having an "English only, please" moment with Bret Jackson

Ella Cruz (left) relates that co-star Bret Jackson (right) forgets his Tagalog when he’s working late and he’s tired: “Madaling-araw na kasi ’yon at pagod na pagod na siya. Kapag gano’n pala, nakakalimutan na niyang mag-Tagalog. Wala na raw siyang maalalang Tagalog words.”


Hindi mai-deny ng Kapamilya actress na si Ella Cruz ang kanyang paghanga sa kanyang leading man na si Bret Jackson sa episode ng Wattpad Presents: Hot and Cold sa TV5.

First time daw nilang magkatrabaho ni Bret at una nga raw niyang napansin dito ay ang mga mata nito na nag-iiba-iba raw ng kulay.

“The first thing na mapapansin mo talaga kay Bret ay yung mga mata niya.

“May kinunan kaming scene na kailangan face-to-face kami. Doon ko napansin ang eyes niya. Color green siya na medyo brown.

“Tinanong ko si Bret kung totoo ba ang kulay ng mata niya.

“Sagot niya, oo, at nag-iiba-iba ang kulay ng eyes niya depende raw sa mood niya.

“Ang bongga, ‘di ba?

“Si Bret depende sa mood ang pag-iba ng kulay ng mata niya.

“Ako depende sa contact lens na ilalagay ko!” tawa pa ni Ella nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 14 sa Max’s Restaurant sa Scout Tuazon Street sa Quezon City.

INSTANT BONDING WITH BRET. Mabilis nga raw niyang nakapalagayan si Bret kaya masaya raw ang dalawang araw nilang taping para sa naturang show.

“Mabait po si Bret at napaka-gentleman.

“Akala ko nga noong una magiging awkward kami sa isa’t isa. Kasi ang tangkad niya, ‘di ba? E, ang liit ko.

“Parang ang hirap maka-eksena ang taong mas malaki sa ‘yo.

“Pero nagawan naman po ng paraan and pareho kaming nag-enjoy ni Bret sa paggawa ng mga scenes,” ngiti pa niya.

ENGLISH ONLY, PLEASE.” Ayon nga kay Bret ay napasaya raw siya nang husto ni Ella. Kapag magkaeksena na raw sila, hindi raw mapigilan ni Bret na laging ngumiti at tumawa.

“Wow naman, para pala akong clown!” tawa pa ni Ella.

“Kasi naman ang taping po namin ay almost 24 hours. Two days lang po kasi, kaya sagad-sagad po ang trabaho namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, ako pa naman, mahilig akong chumika para hindi ako antukin sa set.

“Kaya si Bret, panay ang kuwentuhan namin at natatawa siya sa akin.

“Lalo siyang natawa noong maubusan ako ng English words habang kausap ko siya.

“Madaling-araw na kasi 'yon at pagod na pagod na siya.

“Kapag gano’n pala, nakakalimutan na niyang mag-Tagalog. Wala na raw siyang maalalang Tagalog words.

“Kaya ako biglang nahirapan na makipag-usap sa kanya kasi ini-English na ako!” patuloy na tawa pa ni Ella.

Maganda nga ang naging chemistry nila ni Bret kaya sana raw ay magkaroon ng part two ang tambalan nila na kung tawagin na ay “BrElla.”

“Loveteam na po agad?” sabay ngiti ni Ella.

Dagdag pa niya, “I will admit po na sobra akong nag-enjoy working with Bret.

“Kung may susunod pong Wattpad episode, bakit naman po hindi?

“Gusto ko po ang ganitong mga projects. Yung pakikay-kikay lang po ako and I am acting my age.

“Magandang break din po ito sa mga drama roles na ginawa ko before.”

EXPIRED CONTRACT WITH ABS-CBN. Kakatapos lang daw ng kanyang station contract, pero may kontrata pa rin daw siya sa Star Magic.

Kaya habang wala pa raw bagong project para kay Ella, pinayagan siyang makagawa ng Wattpad episode for TV5.

Una ngang nakilala si Ella sa bakuran ng GMA-7 at nagmarka ang mga roles niya bilang batang Angel Locsin sa teleserye na Majika noong 2006; bilang batang Nadine Samonte sa Super Twins noong 2007; at bilang batang Marian Rivera sa Marimar noong 2007.

Huli nga niyang teleserye sa Kapuso network ay ang Ikaw Lang Ang Mamahalin noong 2011 bago siya lumipat sa ABS-CBN para magbida sa teleserye na Aryana noong 2012.

LONGTIME CRUSH ON ENRIQUE. Dalawang taon na ngang hindi pa ulit nagbibida si Ella sa isang teleserye, pero kung sakaling bigyan siya ulit ng pagkakataon na magbida, ang kanyang dream leading man ay walang iba kundi si Enrique Gil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Ella na matagal na niyang crush si Enrique bago pa man nito naka-loveteam si Liza Soberano sa Kapamilya teleserye na Forevermore.

Sabi pa ni Ella, “Lahat naman po gustong maging leading man si Enrique.

“Ako po talaga, noon ko pa siya crush. Kaya kung sakaling papiliin ako ng leading man, si Enrique po talaga ang unang name sa listahan ko,” kilig pang kuwento nito.

Pero magpapaalam naman daw siya sa ka-loveteam ni Enrique na si Liza Soberano.

“Friends po kami ni Liza.

“Alam po niya na crush ko ang ka-loveteam niya.

“Siyempre, sasabihin ko naman na trabaho lang at hindi ko aagawin si Enrique sa kanya.

“Gusto ko lang pong ma-experience ang maging leading man si Enrique Gil.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN