Rhian Ramos explains why she doesn’t talk too much about her non-showbiz boyfriend

Rhian Ramos on having a non-showbiz boyfriend: "It’s nice. It feels more private. Tapos it feels… siguro more intimate. Kasi it’s between the two of you lang talaga. Na parang ano… hindi mo kailangang isipin na kung nag-away kayo, ‘Magiging publicity battle ba ito?’ Parang ganun."


Blooming si Rhian Ramos ngayon, at hindi naman niya itinatangging mayroon siyang special someone.

Non-showbiz ang nasabing guy kaya hindi masyadong vocal ang Kapuso actress sa detalye ng kanilang relasyon at sa identity ng boyfriend.

Pero laking gulat ni Rhian na lumabas na rin at nasulat ang pangalan ng boyfriend niya—si Jason Choachuy, isang race car driver.

“Nakakainis nga, e!

“Nakakainis nga kasi ano, minsan tinatanong ako.

“E, siyempre natural lang naman na tinatanong ako tungkol sa kanya.

“Tapos hindi ko binabanggit ang name niya.

“Tapos bigla ko na lang nababasa yung full name niya!” natatawang sabi ni Rhian nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, May 24.

Although lumabas na sa media ang full name ng boyfriend niya, ayaw pa rin itong banggitin ni Rhian sa interview namin sa kanya.

“Ang tawag ko sa kanya, Bubu.

“Bago pa lang kami, mga five months pa lang.”

Ilan taon na ang boyfriend niyang ito?

“Kaka-thirty lang niya. Chinese, pero dito siya lumaki, so Pinoy na rin.”

Matagal ba siya nitong niligawan?

“Matagal!” tawa ni Rhian.

“Kasi ano, e… parang nangako ako sa sarili ko na gusto kong maging single for two years.

“Tapos after one year ko siyang nakilala.

“And then, ayokong pansinin.

“Ayoko talaga kasi iniisip ko na, ‘Hindi, dapat matapos ko yung two years na ito.’

“Gusto ko munang mag-focus… ‘Nahanap ko na ba ang sarili ko?’ Yung ganun?

“Yung gusto ko lang maging sure na kilalang-kilala ko na ang sarili ko.”

PRIVATE CITIZEN. May paliwanag si Rhian kung bakit hangga’t maaari ay hindi siya masyadong nagsasalita tungkol sa kanyang boyfriend ngayon.

“He’s very private.

“Minsan lang siya… kapag ano, ini-invite ko naman siya na samahan ako sa isang event.

“Sasama naman siya, pero hindi siya nagpapa-picture.”

Pero sa event para sa 25th anniversary ng Belo noong April ay pumayag silang makunan nang magkasama ng PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Rhian Ramos on non-showbiz boyfriend: “He's the best gentleman I know.”

Paano kapag nasa isang public place sila o event na maraming tao? Naiilang ba ang boyfriend ni Rhian kapag marami ang nakatingin sa kanila?

Ayon sa Kapuso actress, “Kung may mga nakatingin man sa amin, hindi naman niya napapansin.

"Napapansin lang niya kapag may nakatutok na camera.”

First time lang daw ni Rhian na magkaroon ng karelasyong hindi artista o celebrity.

How is it kumpara sa mga dati niyang relationships?

“It’s nice. It feels more private.

“Tapos it feels… siguro more intimate.

“Kasi it’s between the two of you lang talaga.

“Na parang ano… hindi mo kailangang isipin na kung nag-away kayo, ‘Magiging publicity battle ba ito?’ Parang ganun.

“Kasi sa nakikita ko ngayon, nagiging sobrang common na kapag magkaaway yung couple na nasa showbiz, nababasa mo agad, sa Twitter halimbawa or may parinigan o something.

“So, in my case, I don’t even worry about that.”

SUPPORTIVE BF. Naiintindihan ba ng boyfriend niya ang nature ng kanyang trabaho bilang isang artista?

Lalo na ngayong ang role ni Rhian sa primetime series na The Rich Man’s Daughter at maging ang tema nito ay sensitibo dahil tumatalakay ito sa pagkakagustuhan ng dalawang babae.

Saad ni Rhian, “Oo… well, he was very, very happy.

“Siyempre when I got it, very, very happy siya for me. Kasi alam niya naman.

“Kasi nung My Destiny pa lang, nililigawan na niya ako.


“So, nakita niya na importante sa akin yung mga pinipili ko na roles.

“Yung medo nahihirapan ako nang konti. Yung may self-discovery na kasama yung mga roles na gusto ko.

“And he was happy na ganun nga yung role na ‘to."

Patuloy niya, “And then, nung nagsisimula na kaming mag-taping, tinatanong na niya ako kung kumusta ba.

“And then, one time, sinamahan niya ako. Nag-pictorial kami ni Glaiza [de Castro].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very passionate ang posing namin dun, tapos parang tahimik lang siya.

“So, hindi ko alam kung approved sa kanya.

“But I personally see na ano… he’s really really supportive.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN