Deniece Cornejo’s attorney slams Vhong Navarro’s lawyer over confirmation of bail petition

Kinontra ni Atty. Ferdinand Topacio, abugado ni Deniece Cornejo, ang mga naging pahayag ni Atty. Alma Mallonga, abugado ni Vhong Navarro, tungkol sa kumpirmasyon ng korte sa bail petition nina Deniece, Cedric Lee, at Zimmer Raz.


Inalmahan ni Atty. Ferdinand Topacio, abugado ni Deniece Cornejo, ang mga naging pahayag ni Atty. Alma Mallonga, abugado ni Vhong Navarro, tungkol sa kumpirmasyon ng korte sa bail petition nina Deniece, Cedric Lee, at Zimmer Raz.

Kinatigan kasi ng Taguig Regional Trial Court sa pangalawang pagkakataon ang desisyong payagang makapaglatag ng piyansa sina Deniece, Cedric, at Zimmer kaugnay ng kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong laban sa kanila.

Ang kaso ay nag-ugat sa nangyaring pambubugbog at pananakot sa It's Showtime host noong January 22, 2014.

Sa na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atty. Mallonga, sinabi nitong pinilit nilang intindihin ang maiksing desisyon ng korte dahil hindi raw malinaw ang naging basehan sa kanilang naging desisyon.

Aniya, “Frankly, for the record, we do not understand, we are still trying to understand what the order of the judge means because it is so short.

“The findings have been embodied in just two paragraphs in a two-and-a-half page order.

“So, definitely, we will study what our options are, and we will avail all of the remedies available under the law.

“In the meantime, we will continue to follow the law. We will continue to abide by the process.”

Read: Vhong Navarro camp dismayed by Cedric Lee, Deniece Cornejo's freedom amid serious illegal detention case


“SHE’S ONE BIG BULLY.” Sa pamamagitan ng telepono, nakausap ng PEP si Atty. Topacio, Huwebes ng gabi, July 2, upang kunin ang kanyang panig sa naging pahayag ni Atty. Mallonga.

Saad ni Atty. Topacio, “Ayaw naming magpaliwanag katulad ni Atty. Mallonga, dahil sub judice, kaya kami wala naman kaming sinabi dun sa aming statement tungkol sa merits ng case.

"Kasi mula’t sapul, nirespeto namin yung proseso ng batas.

“Kita mo, ang aking kliyente, pinasuko ko at nakulong siya at nag-hearing kami tungkol sa bail, at sumunod lang kami kung ano yung sinasabi ng hukuman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong sinabi ng hukuman na ililipat siya sa regular jail mula sa CIDG Detention Center, sumunod naman kami, kaya lang nagkaroon ng bail, ‘di ba?

“Ang ginagawa kasi nila… ito na naman yung ginagawa nilang trial by publicity, na hindi tama sapagkat yung merits ng case ay nasa hukuman pa.”

Pagkatapos nito ay pinatutsadahan ng abugado ni Deniece ang abugado ni Vhong.

“Ang hirap naman sa kanila, ‘pag hindi pabor sa kanila, hindi naintindihan ang court.

"Si Atty. Mallonga is ano... she’s one big bully, binu-bully niya yung court, e.

“Katulad nung kay Judge Esperanza Paz Cortez, natalo sila, na-grant yung bail, e, inaway niya yung Huwes.

"Kung anu-ano pang sinasabi nila na kesyo binayaran daw, hindi naintindihan, ipina-inhibit nila yung judge.

“Yung judge naman nag-inhibit, inilipat sa ibang judge.

"Yung judge naman na ito, kinatigan yung decision ni Judge Cortez, si Judge Mariam Bien.

“Ngayon, kung anu-ano na naman ang sasabihin nila.

"Hindi puwede yung ganyan.

"Sila ay dumulog sa korte para dinigin yung kaso, respetuhin nila at galangin nila yung desisyon nung korte, hindi yung ngawa siya nang ngawa kapag sila ay natatalo."

Patuloy ni Atty. Topacio, “Hindi ‘yan gawain ng isang abugado, that is very unethical, that is very unprofessional. At pangit yun...

"Hindi ko sinasabing si Atty. Mallonga ang pangit, ha, ang pangit ay yung ginagawa.

“Hindi ganun ang asal ng isang abugado, dumulog ka sa korte, sumunod ka, at galangin mo ang sasabihin ng korte.”


“HINDI YUN ANG OPINYON NG KORTE.” Dismayado rin si Atty. Mallonga sa naging desisyon ng korte dahil kumpleto naman daw sila sa ebidensiya, ngunit parang hindi ito nabigyan ng halaga sa naging desisyon na payagang makapagpiyansa ang mga akusado para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Isa raw sa pinakamabigat nilang inihaing ebidensiya sa korte ay ang CCTV footage noong gabing nangyari ang pambubugbog sa kanyang kliyente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag pa ng abugado ni Vhong, “Unfortunately, the former judge Esperanza Paz Cortez—and that is why we filed for a motion for reconsideration—did not even deem to give any importance to the CCTV, except to say that it shows Vhong was detained only for 30 minutes.

“If you are deprived of your liberty for any length of time, that is detention.

“And when there is no reason for you to be detained, as in this case, and as we have seen, there was no [reason] at all to justify detention. That is illegal.

“And when it is accompanied, as in this case, with threats to kill [that is serious illegal detention].”

Pagkontra naman ni Atty. Topacio sa pahayag na ito ni Atty. Mallonga, “Yun ang opinyon [niya] na kumpleto sila sa ebidensiya.

"Ang opinyon niya, malakas ang kanilang ebidensiya.

"Ang opinyon niya ay ang kaso ay may krimen na naganap.

"Hindi yun ang opinyon ng korte.

“Instead of debating the court, gamitin niya yung oras niya to acquire more skills as a lawyer, para makumbinsi niya yung korte sa kanyang point of view.

“May remedies naman sila, e, yun ang gamitin nila.

"Hindi remedy yung magngangawa ka sa media. That’s lawyering of a worst kind."

Hirit pa ni Atty. Topacio, “Maybe she’s going to examine whether she’s doing a good job as a lawyer bago siya magreklamo.

"Baka ang diperensiya nasa kanya bilang abugado, ‘di ba?”

Naniniwala ba siyang hindi na mababaligtad pa ang desisyong ito ng korte?

Hindi raw ito masasagot ni Atty. Topacio.

Pagpapatuloy pa nito, “Ang hirap kay Atty. Mallonga, unethical siya...

"Kita mo, ha, ang nire-represent niya ay isang tao na lumalabas sa TV, yung kanyang asawa ay nasa MTRCB."

Ang tinutukoy ni Atty. Topacio ay ang mister ni Atty. Mallonga na si Atty. Eric Mallonga, na board member ng Movie and Television Review and Classification Board.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng abugado ni Deniece, “Hindi ba clear conflict of interest yun?

"Kung gusto niyang mag-represent ng mga movie or TV personalities, dapat mag-resign yung kanyang asawa sa MTRCB.

"That’s a clear conflict of interest.”

Sa huli, sinabi ni Atty. Topacio, “Yun lang ang bottomline dito, galangin mo yung hukuman.

"Galangin mo yung korte, hindi yung tuwing natatalo ka, reklamo ka nang reklamo.

“Para kang bata niyan, she should grow up, yun lang ang aking mensahe kay Atty. Mallonga.

"She should stop acting like a spoiled brat, hindi puwede [ang] ganun sa hukuman.”

Bukas ang PEP sa sagot ni Atty. Mallonga tungkol sa naging pahayag ni Atty. Topacio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN