Sophie Albert has no plan of leaving TV5 yet

“Hindi naman magpapa-release pero may assessment kami. Lahat ng nasa Artista Academy, mayroon kaming assessment this July,” says Sophie Albert about being an exclusive talent of TV5.


Ipinagtataka ni Sophie Albert ang balitang gusto raw niyang magpa-release bilang exclusive talent ng TV5.

Sa ginanap na press conference ng bagong comedy show ng TV5, ang No Foul No Harm, kahapon, July 2, itinanggi ni Sophie gusto na niyang umalis sa Kapatid network.

Sabi ng Artista Academy winner, "Wala pa akong plano."

Pero paglilinaw ni Sophie, “Totoo na may assessment this July.

"So, it's up to TV5 and my manager to decide kung mag-i-stay or I'll go.

"So far, walang anything na definite."

Diin pa niya, “Hindi naman magpapa-release, pero may assessment kami.

“Lahat ng nasa Artista Academy, mayroon kaming assessment this July.”

Nang muling linawin ng media kung gusto niyang lisanin ang kanyang home network, sagot ni Sophie, “Hindi naman nasa sa amin ang desisyon kung magpapa-release.

“Sa TV5 na ang desisyon na 'yon. It's up to them.

"Siguro kailangang pag-usapan, like a meeting or something."

Kung alukin siyang mag-renew ng kontrata sa TV5, tatanggapin ba niya ito?

Sagot ni Sophie, “Hindi ko pa alam. Hindi ko pa alam kasi nga desisyon 'yon ng management.

“Siyempre, kung sa akin lang, ang hirap maglipat.

"Kung puwede, bakit hindi?"

Limang taon ang network contract ng 24-year-old actress sa TV5, na nagsimula matapos siyang manalo sa Artista Academy noong 2012.


NO MORE DEPRESSION. Sa nakaraang panayam sa boyfriend ni Sophie na si Vin Abrenica, nabanggit nitong nakaranas ng depresyon ang girlfriend.

Hindi naman ito itinanggi ni Sophie.

Aniya, “Oo, siyempre nalungkot ako nung time na dalawang taon akong nabakante.

“Siyempre ngayon, masaya ako kasi kasama ako rito [No Foul No Harm], kasama ako sa Happy Truck ng Bayan.

Para kay Sophie, hindi naman nagkulang ang network sa pagbibigay sa kanya ng opportunidad para makapagtrabaho.

Gayunman, aniya, “Marami akong gustong gawin.

"Siyempre, bilang artista, gusto mong maka-experience ng iba't ibang roles.

“Naging slow, alam naman nating lahat 'yon na dalawang taon akong walang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging slow, hindi ako magsisinungaling doon.”

Pero agad niyang nilinaw na, “Ngayon, siyempre masaya ako kasi may trabaho.”

Sa ngayon, tanggap na raw ni Sophie na hindi pa katulad ng ibang network ang TV5.

“It's a fact that TV5 only has a few timeslots, there's only a few shows.

“Siyempre, lahat kami nagpapalit-palit.

“So, I don't think it's TV5's fault or my fault, but this is how the network is.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN