Ai-Ai delas Alas takes on role of mother to Ang Tanging Ina co-star Jiro Manio

Ai Ai delas Alas shares update on Jiro Manio’s condition: "Masaya na ako kasi alam ko na unti-unti, e, napapabago ko siya. I think yun naman ang unang kailangan, e. Maramdaman niya na may totoong nagmamahal sa kanya, na all-out support, na tutulungan siya nang walang kapalit."


Isa ang Philippine Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa unang nagpahayag ng pagnanais na matulungan ang dating child actor na si Jiro Manio, matapos lumabas ang balitang palaboy-laboy ito sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong nakaraang linggo.

Nagkasama sina Ai-Ai at Jiro sa movie franchise na Ang Tanging Ina, kung saan gumanap si Jiro bilang si Shammy, ang pang-siyam sa 12 anak ni Ina Montecillo na ginampanan naman ni Ai-Ai.

Kasama ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), tinungo rin ng Let The Love Begin actress ang kinaroroonan ni Jiro nang makauwi ito kasama ang kapatid na si Anjo Santos kinaumagahan ng July 1, Miyerkules.

Sabi ni Ai-Ai sa KMJS, "Gusto ko muna siyang makita, kung ano yung reaction niya towards me.

"Kasi baka hindi na rin niya ako kilala. Hindi natin alam, 'di ba?"

Dagdag pa niya, "I think kulang siya sa love kasi yung mother niya, maaga ring nawala.

"Hindi sila nagkasama, so naiintindihan mo sa'n yung pinanggagalingan niya.

"Kung bakit siya nag-drugs, bakit ganun yung pananaw niya sa buhay."

Pumanaw ang ina ni Jiro na si Joylene Santos noong August 2007 dahil sa kidney cancer. Fifteen years old lamang noon si Jiro.

Sa hiling ni Ai-Ai sa team ng KMJS, pribado itong nakipag-usap kay Jiro, na ngayon ay 23 years old na.

Ilang sandali lang ay lumabas si Ai-Ai na mangiyak-ngiyak matapos nilang mag-usap ng anak-anakan sa showbiz.

Sabi niya, "Okay siya and yun lang ang puwede kong sabihin kasi tina-trust niya ako, e.

"Hindi ko puwedeng sabihin yung mga napag-usapan namin.

"Okay naman siya, huwag ho kayong mag-alala, okay siya."

Paliwanag pa ni Ai-Ai, "Naiiyak lang ako kasi, yun, sinabi ko sa kanya na anak ko siya, na hindi ko siya puwedeng pabayaan."

Kinabukasan, July 2, muling bumalik si Ai-Ai kasama muli ang team ng KMJS sa tinutuluyan ni Jiro at may dala pa siyang mga pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, siya muna ang tatayong ina para kay Jiro.

"Okay naman siya and, yun, nasarapan naman siya doon sa mga food na dinala ko.

"From this day on, ako na yung tatayong mommy niya muna.

"Lahat ng support and all the best for him—doctors, psychiatrist, wellness—lahat yun for him to ano para naman bumalik siya sa dati.

"Masaya na ako kasi alam ko na unti-unti, e, napapabago ko siya.

"I think, yun naman ang unang kailangan, e.

"Maramdaman niya na may totoong nagmamahal sa kanya, na all-out support, na tutulungan siya nang walang kapalit."

Tingin din ni Ai-Ai, isa ito sa mga dahilan kung bakit siya nanatiling maging artista.

Sabi pa niya, "I think yun naman ang calling ko, e.

"Di ba nga, sabi ko kay Lord, 'If ever na gusto Mo pa ako mag-artista, bigyan Mo ulit ako ng chance.'

"And binigyan niya ako ulit ng chance, siguro kasi marami pa akong puwedeng tulungan at matulungan sa mga kapwa ko artista din at yung mga batang kagaya ni Jiro."


THANKS TO AI-AI. Nagpasalamat naman ang kapatid ni Jiro na si Anjo Santos sa tulong na ipinapaabot ni Ai-Ai sa kanyang kuya.

Sabi ni Anjo, "Actually, nagdala po siya ng food sa amin, mga kailangan ng kapatid ko.

"Bukod dun, may iba pang tulong na in-offer siya sa amin.

"Kaya nagpapasalamat ako nang marami kay Mommy Ai."

Nagpasalamat din ang ama-amahan ni Jiro na si Andrew Manio sa lahat ng tumulong kay Jiro nang mamalagi ito sa NAIA at maging kay Ai-Ai.

"Sa lahat sa NAIA na tumulong kay Jiro, yung mga security doon, yung mga nagbigay ng food kay Jiro, maraming salamat po sa inyo.

"Ma'am Ai Ai, talagang the best ka, maraming salamat po sa inyo."

Dagdag pa ni Andrew, "Mahal na mahal ko po si Jiro, higit pa po sa buhay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noon namang July 4, isang araw bago umere ang KMJS, ay nagpaabot ng mensahe ang nangangalaga kay Jiro.

Sinabi nitong bumubuti na ang kalagayan ni Jiro at malapit na itong bumalik sa dati.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN