(UPDATED) Rhap Salazar clarifies he’s not referring to James Reid and Nadine Lustre in his tweet about artists who lip-sync on TV

Rhap Salazar on showbiz personalities who lip-sync on musical-variety shows: "I hate seeing artists lip-syncing on TV. Yung iba nagkaka-album pa," said the 19-year-old singer whose Twitter posts were allegedly alluding to James Reid and Nadine Lustre’s back-to-back performance on ASAP’s July 5 episode.


“I hate seeing artists lip-syncing on TV.”

Ito ang pahayag ng Kapamilya singer na si Rhap Salazar ang kanyang disgusto sa showbiz personalities na nagpe-perform ng pre-recorded songs sa musical-variety shows sa telebisyon.

Base ito sa magkakasunod na Twitter posts ni Rhap noong Linggo ng hapon, July 5.

Dagdag pa ni Rhap, hindi rin niya gusto ang konsepto na may mga artistang nagkakaroon ng record album kahit na hindi maituturing na professional singers.

“Yung iba nagkaka-album pa,” saad ni Rhap.

Bunsod nito, may ilang followers si Rhap na nagtanong kung galit ba siya sa mga artist na may album pero hindi makakanta kapag live performance.

Sagot ni Rhap: “Hindi naman nagagalit. Sana lang they can really sing. Sayang naman yung album nila.”

Isa pa sa mga nag-comment sa Twitter post ni Rhap ay ang dati nitong kasamahan sa now-defunct youth variety show ng ABS-CBN na Shoutout! na si Aria Clemente.

Sabi ni Aria: “@rhapsalazar remember they made us do that in shoutout lol then nag complain din sila in the end na bakit tayo nagli-lip-sync.”

Sagot naman ni Rhap: “@ariaclemente nahiya naman tayong mga totoong singers haynakooo.”

Hindi man pinangalanan ni Rhap kung sinong mga artista ang pinatutungkulan niya, malinaw na ang ABS-CBN musical -variety show na ASAP ang pinapanood niya noong mga oras na iyon.

Base na rin ito sa tweet niya patungkol kay Anne Curtis na kumanta ng “Flashlight” ni Jessie J habang ipinapalabas ang music video ng huli sa background wide screen ng ASAP.



RHAP'S TWEETS AGAINST JAMES AND NADINE? Kasabay nito ay hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyon ang Twitter followers ni Rhap na ang pinatutungkulan nitong mga artistang nagli-lip-sync ay sina Nadine Lustre at James Reid.

Ito ay sa kadahilanang tiyempong nag-tweet si Rhap matapos ang back-to-back performance nina James at Nadine sa ASAP noong Linggo, July 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naturang ASAP episode ay mapapanood kung paanong kinanta ni James ang “Randomantic” mula sa kanyang album na Reid Alert.

Bagamat malinaw na pre-recorded ang kanyang kanta, pilit itong sinabayan ni James sa kanyang live performance.

Sumunod naman si Nadine na tila nag-lip-sync habang sumasayaw ng dance track na "Me and You" mula sa kanyang self-titled album na Nadine Lustre.

Pagkatapos ng back-to-back performance nina James at Nadine ay pareho silang pinarangalan ng Viva Records ng “certified gold record award” dahil sa “outstanding sales” ng kani-kanilang album.

Kaya hindi maiwasan ng ilang fans nina James at Nadine (JaDine) na mag-react sa tweets ni Rhap.

Depensa pa ng JaDine fans: "Maganda ang boses nila especially James. Nagkataon lang siguro sinabihan silang i-lip-sync performance nila yesterday."

Ilan pa sa mga artistang nabanggit ng Twitter followers ni Rhap bilang mga artistang “non-singers” ngunit nagkakaroon ng record album ay sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Enchong Dee, at Maja Salvador.

Sa kabila nito, hindi na direktang pinangalanan ni Rhap kung sinong mga artista ang tinutukoy niya na nagli-lip-sync sa TV.

Sa huli, iginiit ni Rhap na personal na opinyon niya ang kanyang ibinahaging tweets at nagpapasalamat siya sa kanyang Twitter followers na naiintindihan ang sentimiyento niya.

NOT FOR JADINE. Sa latest Twitter post ni Rhap ngayong Lunes ng gabi, July 6, mariin niyang pinabulaanan ang espekulasyong sina James at Nadine ang tinutukoy niyang artists na nagli-lip-sync sa telebisyon.


Paglilinaw pa ng 19-year-old singer: "Those tweets are not for JaDine. Yung ibang tao kasi nag-mention agad na sila yun. Pero hindi naman talaga. Hope everything's clear now."

Si Rhap ay produkto ng dating singing talent search ng ABS-CBN na Little Big Star, kung saan siya ang itinanghal na winner o Brightest Star noong 2005.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN