Jake Vargas says lack of time caused breakup with Bea Binene

Jake Vargas on ex-girlfriend Bea Binene: "Gusto ko okay kami ni Bea lagi, e. Gusto ko maging maayos kami kahit na ganito kami, may pinagdadaanan kami... Kaibigan ko siya, ayoko lang ng may mga bash na ano, na parang magkaaway kami dahil sa ganito, sa ganyan na isyu."


Inamin ni Jake Vargas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang tunay na dahilan ng breakup nila ni Bea Binene.

Pahayag ng Kapuso actor-singer, “Siguro po, siguro nawalan ng time sa isa’t isa.

"Parang ano kasi, e, parang iyon siguro yung... hindi na kami gaanong lumalabas.

"Nawawalan ako ng time sa kanya."


NO THIRD PARTY. Iginiit din ni Jake na walang third party sa breakup nila ni Bea.

“Actually narinig ko nga na may third party. Walang ganun.

"Nagulat nga ako, e, kasi mahal na mahal ko si Bea.

“Hindi ko alam. Siguro, iyon nga, totoo yun... nawalan ako ng time sa kanya, hindi ko siya nabigyan ng pansin.”

Hindi na ba maaaring magkabalikan sila?

Tugon ni Jake, “Sa akin naman, siguro ako naman, gusto ko okay kami ni Bea lagi, e.

“Gusto ko maging maayos kami kahit na ganito kami, may pinagdadaanan kami.

"Siguro, gusto ko ganun, e. Gusto ko maging maayos.

“Kaibigan ko siya, ayoko lang ng may mga bash na ano, na parang magkaaway kami dahil sa ganito, sa ganyan na isyu.”

Pero magkaibigan ba sila ngayon?

“Ako… hindi ko alam! Hindi ko siya nakikita, e,” sabi ni Jake.

Matagal na raw nang huli silang nagka-text-an.

Hindi ba siya sumubok na maunang gumawa ng hakbang para magpatuloy ang komunikasyon nilang dalawa?

Ayon kay Jake, “Nagti-text ako sa kanya. Sumagot naman siya, sumasagot.

“Matagal na, matagal na.

“Recently, tine-text ko pa rin siya.”

NO REPLY. Pero lately raw ay hindi na sumasagot si Bea.

“Pero okay lang yun, at least nasasabi ko sa kanya yung gusto kong sabihin, di ba?

“Okay lang basta nababasa niya.”

Nasasaktan ba siya kapag hindi sumasagot si Bea?

“Hindi naman.

"Masaya na rin ako nun kasi alam ko nasi-seen naman niya yung nati-text ko sa kanya.

"Masaya na ako dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkikita naman daw sila sa Sunday All Stars.

“Binabati ko siya.”

Binabati rin naman daw siya ni Bea, pero cold o matabang ba ang pagbati nito sa kanya?

“Wala, wala... okay lang, yung bati talaga na hello-hi, ganyan-ganyan.”

Mahal pa ba ni Jake si Bea?

Tugon niya, “Hindi naman agad mawawala yun. Hindi naman basta-basta mawawala yun.”

Kung noong may relasyon pa sila ay 100 percent ang pagmamahal niya kay Bea, ngayon ay ilan na lang?

“Ganun pa rin, ganun pa rin.”

Umaasa ba siyang sana ay magkabalikan sila?

“Oo. Ako naman, ganun naman, e, gusto ko naman maging maayos kami lagi.”

Kapag nalaman niyang may nanliligaw na kay Bea, masasaktan siya?

“Hindi ko alam, hindi ko alam ang ire-react ko.”

ON JULIE ANNE SAN JOSE. Nakausap ng PEP si Jake sa presscon ng Buena Familia, Lunes ng gabi, July 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

May chance kayang ma-develop si Jake kay Julie Anne, na kapareha niya sa Buena Familia?

“Hindi ko alam. Kasi si Julie mabait, sobrang bait, makulit,” sagot ni Jake.

Wala ba siyang nararamdaman para sa singer-actress?

“Siguro ngayon, puro trabaho ako.

"Halos nilalagay ko sa isip ko, trabaho.

"Kasi yung pagmamahal, nandiyan naman, darating at darating naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN