Mark Anthony Fernandez finds new love: "Puwede kong ipusta ito. Kapag naghiwalay pa kami nito, you can spank me!""

IMAGE Noel Orsal

Mark Anthony Fernandez admits he did go through a difficult period to the point he crashed the room inside the mausoleum of his late dad, Rudy Fernandez. He reveals, "Siguro mga three nights lang ako nandun, 'tapos nakalipat na din ako." His situation has improved and he is now living in a condo in Clark in Angeles City.


“She’s my soulmate!”

Ito ang pahayag ng aktor na si Mark Anthony Fernandez nang amining may bago siyang inspirasyon ngayon—isang modelo na nagngangalang Diana.

Nakilala raw ng 36-year-old actor ang 23-year-old model sa pamamagitan ng kanilang mutual friends.

Sabi ni Mark sa interview nito sa 24 Oras kagabi, July 22, “Siya ang soulmate ko, puwede kong ipusta ito.

“Kapag naghiwalay pa kami nito, you can spank me!”

Hiwalay na si Mark at ang misis niyang si Melissa Garcia noong nakaraang taon.

May dalawang anak si Mark kay Melissa: ang 13-year old na si Grae Fernandez, artista na sa ABS-CBN at miyembro ng boyband na Gimme5, at ang one-year old na si Rudolph.

Ayon kay Mark, maayos naman ang pakikitungo nila ngayon ni Melissa. Nag-uusap naman daw sila lalo kapag may kinalaman sa kanilang dalawang anak.

Alam din daw ni Melissa ang tungkol sa girlfriend niya ngayon.

“Ang importante ay mabuti kami ng ex ko sa mga bagay-bagay, nagkakasundo kami,” diin pa ni Mark.

FIXING HIMSELF. Unti-unti na rin daw inaayos ni Mark ang kanyang sarili pagkatapos niyang dumaan sa matitinding personal na problema.

Ikinabahala nga ng maraming nakatrabaho at kaibigan ng aktor ang balitang natutulog siya sa museleo ng kanyang pumanaw na ama na si Rudy Fernandez sa Heritage Park, sa Taguig City.

Inamin naman ni Mark na totoo ang balitang iyon.

“Short period lang naman.

"Siguro mga three nights lang ako nandun, ‘tapos nakalipat na din ako.

“Comfortable din ako doon dahil malaki yung museleo niya ‘tapos may kuwarto.”

Nakalipat na raw ngayon si Mark sa isang condominium unit sa Clark, Angeles City, Pampanga.

Nagpapasalamat naman ang aktor na sa kabila ng kanyang magulong sitwasyon noon ay pinagkatiwalaan pa rin siya ng GMA Network at isinama sa teleseryeng Let The Love Begin, na malapit nang magpaalam sa ere.

Sabi ng aktor tungkol sa Let The Love Begin, “Mami-miss ko ang mga kasamahan ko doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napamahal na ako kina Ai-Ai delas Alas, lalo na kay Gladys Reyes. Naging mga kaibigan ko na sila.”

Ngayon ay busy si Mark sa shooting ng pelikulang Manila’s Finest with comebacking action star na si Jeric Raval.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN