Willie Revillame: "Pag wala ka nang ratings, hindi ka na bida."

Hinimok ni Willie Revillame ang lahat ng mga artista na mag-ipon at mag-invest habang may kinikita pa ang mga ito. Mas maganda raw kasing sa panahon ng kagipitan ay may nadudukot sa bulsa at hindi yung namamalimos mula sa mga kapwa-artista.


Kinilala ng Summit Media at YES! Magazine si Willie Revillame dahil sa pagiging highest-selling cover niya sa kasaysayan ng YES!

Ang kanyang January 2009 cover ay nakaabot sa 300,000 mark.

Iginawad ang special plaque of appreciation kay Willie sa 15th anniversary party ng YES! nitong Lunes ng gabi, July 27, sa Grand Ballroom ng Crowne Plaza.

Sa kanyang acceptance speech ay ibinahagi ni Willie sa kanyang mga kapwa-artista ang kahalagahan ng pakikisama.

Sinabi rin nitong hindi pagmamayabang ang pagpapakita niya ng yaman at ari-arian kundi ito ay isang inspirasyon para sa ibang mga nangangarap.

Kuwento ni Willie tungkol sa kanyang unang YES! magazine cover, “Two years nila ako niligawan, nina Ma'am Jo-Ann [Maglipon, editor in chief] at Anna Pingol [managing editor].

"Sabi ko, magpapaalam ako kay Ma'am Charo [Santos-Concio, Willie's former boss in ABS-CBN], 'Is it right to do this?'

"Baka maaaring mayabang ang dating. Ang iba, baka magsabing mayabang kung bakit ipakita ko pa ‘to lahat.

“But Miss Jo-Ann talked to me, ‘Willie, hindi 'yan pagmamayabang, kasi nga pinaghirapan mo. It is an inspiration sa mga nangangarap na katulad mo. From nothing to something.'”

Hanggang sa nakumbinsi na nga siyang mag-pictorial para sa YES! na inilabas noong January 2009.

Dagdag pa ni Willie, “'Ma'am Jo-Ann, mahilig ako sa kotse, ipapakita ko yun, baka sabihing mayabang ako.'

"Nag-invest ako ng mga properties, sa Tagaytay. Bumili ako ng mga bahay, binili ko yung bahay ni Boss Gabby Lopez.

“Pero itong lahat ng ito, produkto ng hardwork.

"Natulungan ako ng ABS-CBN, ng Wowowee, yun ang mga na-invest ko."


THE IMPORTANCE OF INVESTMENT. Pinaalalahanan din ni Willie ang mga kapwa niya artista na mag-ipon, dahil marami raw siyang nakikitang namamalimos na artista kapag tumatanda na.

“As an artist, nakikita ko kasi, ‘pag may edad ka na, wala ka ngang investment, kawawa na mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana maging inspirasyon ‘to.

"Nung nag-Wowowee ako, maraming artista ang lumalapit sa akin, humihingi ng tulong, humihingi ng pambili ng gamot.

“And then, after sa ABS-CBN, nalipat nga ako sa TV5, nagkaroon din ako ng opportunity financially, bumili rin ako ng mga properties sa Tagaytay.

“Siguro it’s a lesson sa ating mga artista, dito sa showbiz, na 'pag nagkakapera ka, properties kaagad. Investment kaagad.

“Kasi once na nawala na tayo sa industriya… tandaan niyo, ang industriyang ito, ‘pag matanda na tayo, may bago nang lumalabas.

“Pag wala ka nang ratings, hindi ka na bida.

"Tandaan niyo, it’s a ratings game. ‘Pag mababa na rating mo, iba na tingin sa ‘yo.

“Mas maraming nagmamahal sa ‘yo sa industriya, pero mas mahalin mo yung sarili mo.

"Kasi, at the end of the day, kapag may sakit ka na, dapat may pera ka sa bulsa.

“Para hindi na tayo magmukhang kawawa.

"Tayong mga artista, lalapit kung kani-kanino, hingi ka ng gamot, pera... maraming ganyan sa industriya."

Binanggit din ni Willie ang mga nabili niyang properties.

“Nakabili ako ng mga properties pa sa Tagaytay.

"I’m not being mayabang, ‘no, kasi ito mga pangarap ko.

"Bumili ako ng eroplano. During the time sa ABS-CBN, bumili ako ng yate.

“Hindi ito pagmamayabang, I just want to enjoy yung mga pinagpapaguran kong pera.

“Sa lahat ng mga artista dito, i-enjoy niyo 'yang buhay niyo...

"Just one second, kapag naaksidente ka, that’s it.

“Wala na, hindi mo na madadala ‘yan sa'n ka man pumunta.

"Iba ang may pera ka, iba ang may pera ka sa bangko, hindi ka mukhang kawawa."


BUYING HIS OWN PLANE. Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Willie ang dahilan kung bakit siya bumili ng kanyang sariling eroplano.

Lahad ng 54-year-old TV host-comedian, “There was a time papunta kami sa Macau, napakasakit ng feeling na lahat ng Pilipino ay pinapatabi sa isang lugar [sa Hong Kong airport].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng OFW [Overseas Filipino Workers]... na-experience ko ‘to e, siguro mga 30 years ago.

"Pupunta kami dun, pinapila kami. Then, after naming pumila, pinapunta kami sa isang kuwarto, pinaghubad kami, brief lang.

“Ang tingin sa mga Pilipino, ganun.

"Pinaghubad kami, ang akala kami ay mga OFW… na magnanakaw.

"Tumatak sa utak ko, ‘Kawawa ang mga Pilipino, lagi na lang inaapi. Lagi na lang ganito ang tingin.'

“So, nasa isip ko, once na ako’y makaipon, magkapera, ayoko nang mangyayari sa buhay ko yun.

“All of us dito sa showbiz, I’m 54 years old, darating ang time na pagdating ng sisenta, sitenta, gusto niyo ba nagpupuyat pa kayo sa taping?

“Hindi ba nagmamadali kayo? Na dapat ‘pag 12 o’clock tapos na kayo? Kasi may anak na, meron kang apo.

“Sana po lahat... sana it is an inspiration.”


“MAGSAMA-SAMA TAYO.” Hiling pa ni Willie sa lahat ng artista na nasa venue, “Magsama-sama tayo.

“Kahit nasa Channel 5 ka, Channel 2, Channel 7, ‘pag may artistang nangangailangan ng tulong, hindi porke’t taga-Channel 5 ka, hindi mo na tutulungan.

“Ito na yung time na magsama-sama tayo, uunlad tayo dapat. Magsama-sama tayo, magtulungan tayo.

“Hindi tayo magkakaaway, e, hindi tayo magkakalaban.

“Tandaan niyo, every day, nagbabago ang ratings, every day puwede kang manalo.”

Sa huli, sabi pa niya, “Sa ating industriya, magsama-sama tayo, magmahalan tayo.

"Kung sino nangangailangan ng tulong, tulungan ng mga artistang nariyan.

“Tandaan niyo, ang importante nito ay ang kapwa, yung mga nanonood, yung mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN