Christopher de Leon reveals how wife Sandy Andolong kept his son Ian de Leon from landing in jail years ago

Christopher de Leon on raising his children: “I try to support them the best way I can. I try to support them in whatever they need, whatever they want in life."


Kahit produkto ng isang broken home ang aktor na si Ian de Leon, hindi nawala ang respeto at pagmamahal nito sa kanyang ama na si Christopher de Leon.

Si Ian ay anak ni Christopher sa una niyang asawa—ang Superstar na si Nora Aunor.

May lima namang anak ang dramatic actor sa kanyang pangalawang asawa na si Sandy Andolong—sina Miguel, Gabriel, Mariel, Sandino, at Michaela.

Sa presscon ng bagong GMA primetime series na Beautiful Strangers noong July 28, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christopher kung paano niya nagawang maging malapit sa kanya si Ian at ang iba pa niyang mga anak.

Nakangiting sagot ng 58-year-old actor, “Live and let live.

“I try to support them the best way I can.

"I try to support them in whatever they need, whatever they want in life.

“So, medyo parang kaibigan lang nila, at the same time admirer lang nila ako.

"Siyempre, pag anak mo, ina-admire mo."

Maliban dito ay si Boyet na rin ang itinuturing na ama ng adopted children ng Superstar na sina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth.

Kahit si Ian lang ang biological son nina Christopher at Nora, ginagamit din ng adopted children nila ang apelyidong De Leon.

Sabi ng veteran actor tungkol dito, “Parang ano ko yun, it’s a big honor for me, a big responsibility.

"And I thank them for calling me Daddy.

“You know, I cherish that. I like that.

"And, actually, I’m grateful that they’re using De Leon as family name nila, maging screen name or in real life."

IAN'S BIG PROBLEM. Naibahagi naman ni Boyet sa PEP kung paano nalampasan ni Ian ang isang malaking problema kung saan muntik na itong makulong.

Pero dahil sa tulong ng misis ni Boyet na si Sandy ay nalagpasan ito ni Ian.

“Last time nagkaroon ng problema si Ian... major-major problem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Makukulong si Ian. Ang tumulong ay si Sandy.

“Several years ago 'yon. Hindi na lang ninyo nalaman.

"Pero si Sandy and her family ang tumulong. Siya ang nag-finance. Siya lahat.

"Walang drugs, walang ganun. Basta, major problem."

Tumangging magbigay ng detalye si Christopher tungkol sa naging problema ni Ian dahil tapos at naayos na raw ito.


HAPPY DAD. Isa pa, tuwang-tuwa si Christopher kay Ian ngayon.

Noon lamang July 12 ay ikinasal si Ian sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Jennifer Orcine.

LOOK: Ian de Leon and Jennifer Orcine wedding

Ayon kay Christopher, “Ian is already married.

"Because sinabi namin sa kanya na kailangang magpakasal na, kasi buntis na yung kinakasama mo.

“So, kailangang legit yang bata paglabas.

"Sinunod naman niya kami. Nagpakasal sila.

"And now, they’re still in our compound"

Dahil dito, nagkikita ang mag-ama “every so often” at nagkakamustahan.


STAYING MARRIED. Higit sa dalawang dekada nang mag-asawa sina Christopher at Sandy, kaya inalam ng PEP sa aktor kung ano ang sikreto ng marriage nila.

“Matiisin 'yon, e!” nakangiting sagot ni Boyet, saka dinugtungan ng malakas na tawa.

Patuloy ng premyadong aktor, “Hindi... kailangan yung romance hindi nawawala in a relationship, in marriage.

"Yung pagiging romantic mo, almost every day dapat ipinapakita.

“You should not end the day without saying ‘I love you.’

"Ako ang mas loving, karinyoso. Siya rin, of course.

"Pero mas nanggaling sa lalaki yung…you keep it alive, the relationship."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN