Dina Bonnevie relates harrowing experience with second husband; reveals misgiving about Vic Sotto's reported plan to remarry

In case her ex-hubby Vic Sotto remarries, Dina Bonnevie says, "It's easy to say na okey, pero I'd like to see. Paano kapag matanda ka na and you can't perform anymore? I mean, he's 60 plus, darating din yun when you're 70, 70 plus."


Si Dina Bonnevie ang dating asawa at bukod-tanging pinakasalang babae ni Vic Sotto.

Nang magkahiwalay sina Dina at Vic, nag-asawa muli ang aktres at doon daw niya naranasan lahat.

Sabi ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I remarried after Vic, di ba?

“Doon ko naranasan yung talagang grabe, nilapastangan ako, binugbog, lahat.

“Naranasan kong maapi pero ayoko nang maalala yun, mabugbog, masapak, magulpi.

“And he even took my money.

"But I don’t want to remember that chapter of my life anymore."

Hindi na ginustong pangalanan ni Dina ang dating mister.

Nabaling ang usapan kay Vic Sotto na ama ng mga anak niyang sina Danica at Oyo.

Sa pagpapatuloy niya, “Sana lang, Vic would find someone who will truly love him kahit na may sakit na siya, kahit na tumanda na siya.

“Kasi now, it’s easy to say na okey, pero I’d like to see. Paano kapag matanda ka na and you can’t perform anymore.

“Darating din yun sa buhay mo, I mean, he’s 60 plus, darating din yun when you’re 70, 70 plus.”

PAULEEN LUNA. Hiningan naman namin ng reaksiyon si Dina sa balitang diumano’y magpapakasal na si Vic at ang nobya nito ngayong si Pauleen Luna.

Mas naging maingay pa ang usap-usapan dahil sa lumabas na larawan na bagong bahay raw na ipinapatayo ni Vic.

Ayon sa aktres, “Well, sa akin, if he finds someone that he would marry and grow old with, go.”

Sa matagal na panahon, simula nang maghiwalay sila, wala talaga itong pinakasalan.

“Siguro ngayon lang siya nagpaplano dahil palagi ko rin naman sinasabi na nag-move on na ako.

“Siguro before, umaasa pa siya na magkakabalikan pa kami.

“But now, I always say that I’ve moved on kaya siguro nagpaplano na rin siyang mag-asawa.

“Siguro naman, kung hindi rin ako nag-asawa… he’s not the type.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

THE MEETING. Nagkakilala na rin sila ni Pauleen nang mag-guest siya sa The Ryzza Mae Show.

Si Pauleen pa nga raw ang personal na nagpakilala ng sarili nito sa kanya.

“Yeah, she introduced herself,” saad niya.

Kumusta naman yung pagkikita nila?

“Yun nga ang palagi kong sinasabi, bakit ba napaka-big deal na nagpakilala siya sa akin?

“Ang sa akin, if I were Pauleen na nakita ko yung wife na talagang nirerespeto ng buong barangay, na may hawak ng korona, I would also say ‘Hi.’

“Kasi, eventually, you’ll have to deal with my children.

“Sa akin, it was a very bold gesture na lumapit siya.

“Lalo na alam ng mga tao na, naku, mataray si Ms. D.

“Pero sa akin, very bold na lumapit siya, maayos naman and I commend her for that.

“Parang wow, hats off ako. Hindi ka natakot na lumapit sa akin at nagpakilala ka.

“And right after that naman, nag-text siya kay Danica na, ‘Hey, I finally met your Mom, great woman, galing.’

“So sa akin, okey na yun, bakit ba masyadong ini-isyu ng showbiz na nag-usap, parang bakit?” natatawang sabi niya.

Dugtong pa niya, “Bakit noon hindi naman isyu kapag nag-uusap kami ni Pia [Guanio] or all the girlfriends in the past.

“Unless talagang all my words still count.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN