Sunday PinaSaya star Ai-Ai delas Alas on new format of ASAP: "Mas ok naman yun kesa kami manggaya..."

Dahil sa pagbabago ng format ng ASAP 20, tila naramdaman ng viewers na ginagaya nito ang katapat na programang Sunday PinaSaya. Sa ratings, hindi magkalayo ang numero ng bagong pambato ng GMA Network sa long-running Sunday musical-variety show ng ABS-CBN.


Maraming regular viewers ng ASAP ng ABS-CBN ang nakahalatang may pagbabago sa all-musical-dance format nito mula nang umere ang bagong Sunday variety show ng GMA Network na Sunday PinaSaya.

August 9, nagkaroon ng 'Kapamilya Fans Day' ang ASAP, kung saan may palaro pa ito sa programa na “Pa Nae Nae Boys vs Pabebe Girls.”

Noong August 16 naman, may skit silang mala-Cinderella ang tema tampok ang tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano

Kahapon, August 23, may skit din sila tungkol sa paghahanap sa Ibong Adarna. Pinagbidahan pa rin ito ng LizQuen loveteam kasama sina Alex Gonzaga, Chokoleit, at John Lapus.

Kaugnay nito, nag-react na rin ang isa sa mga haligi ng ASAP na si Martin Nievera tungkol sa tila naibang takbo ng kinabibilangang programa.

Read: Martin Nievera reacts to new format of ASAP: "What has happened to the noontime shows on Sunday?"

Sa Sunday PinaSaya, tuloy lang ang nakagawiang segments nila na “Bongga si Dai,” “Chef Boy Next Door,” “Judge MD,” at iba pa.

Kabilang sa hosts ng bagong comedy-variety show na ito ng GMA sina Ai-Ai delas Alas, Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, Joey Paras, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Valerie Montenegro, Jerald Napoles, at Marian Rivera.

Pagdating sa ratings, neck-to-neck ang labanan ng dalawang shows base sa Kantar Media/TNS; ngunit malaki ang kalamangan ng Sunday PinaSaya sa ASAP kung ang pagbabasehan naman ay ang mga numero mula sa AGB Nielsen.


“GAYA-GAYA?” Kahapon, August 23, bago ang pagsisimula ng Sunday PinaSaya, nag-post si Ai-Ai delas Alas sa Instagram ng selfie niya habang nasa studio ng GMA.

Selfiesa SUNDAY PINASAYA

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) onAug 22, 2015 at 10:08pm PDT

Komento ng isang follower niya na si ishavillacorte: “ginaya kau ng asap meron na dn clang drama drama @msaiaidelasalas

Sagot dito ng komedyana, “@ishavillacorte oo nga e kakaloka hayaan na atleast d naman kami nanggaya ok na yun.”

Walang magawa groufie nalang 😊💚

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) onAug 23, 2015 at 2:14am PDT

Sa kasunod niyang Instagram post, sinabi ng Kapuso comedienne na "flattered" siya dahil ginagaya sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong pa ng naturang follower sa actress-comedian: “What can u say @msaiaidelasalas sa pangagaya ng ASAP sa inyo nagulat aq paglipat ko sa dos my comedy at drama na dn cla sa asap.”

Tugon ni Ai-Ai: “@ishavillacorte flattered mas ok naman yun kesa kami manggaya sasabihin nila kami geyegeye hehe eyeke nen [gayagaya hehe ayoko nun].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN