Yael Yuzon on wife Karylle-Vice Ganda kissing scene: “I didn't allow anything. No one needs permission from me.”

Nag-react si Yael Yuzon sa paghalik ni Vice Ganda sa kanyang asawang si Karylle sa It's Showtime 6th anniversary. “I didn't allow anything. No one needs permission from me. We all have our own minds.”


Sinagot ng Spongecola vocalist na si Yael Yuzon ang ilang netizens na hindi nagustuhan ang paghalik ni Vice Ganda sa asawa ng singer na si Karylle sa 6th anniversay ng It's Showtime sa Araneta Coliseum nitong Sabado, September 26.

Kabilang sa mga host ng ABS-CBN nootime show sina Karylle at Vice.

Sa isang punto ng show, lumabas si Vice na nakadamit-lalaki, bilang alter ego nitong si Viceral, para sa isang production number.

Nilapitan niya si Karylle na nasa audience at hinalikan niya ito sa labi nang dalawang beses.

Read: Vice Ganda kisses Karylle on the lips twice during Showtime Kapamilya Day



NETIZENS AGAINST THE KISS. Sunud-sunod naman ang tweets ni Yael sa kanyang Twitter account upang sagutin ang ilang netizens na binatikos ang paghalik ni Vice kay Karylle.

Punto ng mga nasabing netizens, may asawa na si Karylle at binatikos nila si Vice dahil diumano sa pagiging “malaswa” at “imoral” nito.

Tinuligsa rin ng ilang netizens pati ang sexual preference ng comedian-TV host.

Nagsimulang sumagot si Yael sa Twitter nang may isang netizen ang nag-tweet tungkol sa “kissing scenes” nina Vice at Karylle.

Tinawag ng netizen (@KingOfP1rates) na "malaswa" si Vice at napilitan lamang daw si Karylle.

Tweet ni Yael:

@KingOfP1rates I don't normally reply to these things but there is really no need to bash anyone. Live a life of love, focus on the good. :)

— Yael Yrastorza Yuzon (@yaelyraz) September 26, 2015

Pagdidiin pa ng nasabing netizen, para sa kanya ay may nakita siyang maling ginawa si Vice sa telebisyon.

Tugon dito ni Yael:

@KingOfP1rates Well, it's been around 4 hours, more interesting things have happened in life, you just have to focus on those. :)

— Yael Yrastorza Yuzon (@yaelyraz) September 26, 2015

Isa pang netizen ang nagsabing offensive ang paghalik ni Vice kay Karylle dahil may asawa na ang singer-actress.

Sagot ni Yael:

@JAMiEleerol all in the name of fun. We're all friends. That's what actors do. people just feel like sharing thoughts because they can.

— Yael Yrastorza Yuzon (@yaelyraz) September 26, 2015

Binanggit ng isa pang netizen ang isyu noong 2014, kung saan nagkaroon ng iringan sa pagitan nina Vice at Yael dahil hindi umano nagugustuhan ng bokalista ang ginagawang pagtatambal sa noo'y girlfriend nitong si Karylle kay Vice sa It's Showtime.

Pero sagot ni Yael, wala siyang sinasabing ganoon tungkol sa isyung ito.

Read: Vice Ganda admits “tampuhan” with Karylle; offended by comment of her fiancé Yael Yuzon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Yael ang isang message ng isang netizen na nagpasalamat sa kanya dahil sa pagpayag umano niyang mag-kiss sina Vice at Karylle.

Sabi niya, “I didn't allow anything.” At wala raw sinumang nangangailan ng permiso niya.

Binatikos din ng singer ang isang netizen na sinabing dapat kontrolin nito si Karylle at sinabing lumabas ang pagka-”imoral” ng asawa dahil sa nangyari.

Tinawag ni Yael ang nasabing netizen na “backward” mag-isip at hindi raw dapat nito kinokontrol ang mga tao.

Sinabi pa niyang hindi siya ang tipo na nanghuhusga dahil sa sexual preference ng isang tao, pero nauunawaan umano niya ang pinanggagalingan ng nasabing netizen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN