Maine Mendoza expresses concern about Alden Richards's health

Ipinaabot ni Maine Mendoza ang kanyang pag-aalala kay Alden Richards dahil sa sunud-sunod na schedule ng Kapuso actor-TV host.


Halata ang pag-aalala ni Maine Mendoza para sa kalusugan ng kanyang ka-loveteam na si Alden Richards.

Sa Eat Bulaga! kaninang tanghali, October 5, ay ipinarating ni Maine ang kanyang concern para kay Alden sa pamamagitan ng fan sign na ito: "Pahinga ka ha."

Ito rin ang isinulat ni Maine sa wall ng Broadway studio kung saan sila nagpapalitan ng mensahe ni Alden:

Sa Twitter account naman ni Maine ay nagpaabot din siya ng mensahe, bagamat wala siyang direktang tinukoy kung para kanino ito:

Take good care of yourself.

— Maine Mendoza (@mainedcm) October 5, 2015

Alam marahil ni Maine kung gaano ka-hectic ang schedule ni Alden ngayon.

Araw-araw kasi, seven days a week, ay mayroon siyang noontime show.

Maliban sa Eat Bulaga, kung saan magkasama sila, ay kasama rin si Alden sa Sunday noontime show ng GMA Network na Sunday Pinasaya.

Sunud-sunod din ang mall shows ng 23-year-old actor-TV host.

Nito nga lang Biyernes, October 2, pagkatapos ng Eat Bulaga! ay dumiretso siya sa airport para sa biyahe niya patungong Cebu, kung saan nagkaroon siya ng Kapuso Fans' Day sa Gaisano Mall.

Na-delay pa ang flight niya pabalik kaya madaling-araw na ng Sabado, October 3, siya nakarating sa Manila.

Ilang oras lamang ang tulog niya ay dumiretso na siya sa Broadway studio para sa live airing ng Eat Bulaga.

Pagkatapos nito ay nag-rehearsal naman siya para sa Sunday Pinasaya, kung saan mayroon siyang bagong segment na "DJ Bae."

Sa live airing ng Sunday Pinasaya noong Linggo, October 4, ay halatang masama ang pakiramdam ni Alden dahil sa kanyang sipon.

Ngayong araw naman ay balik-Eat Bulaga! siya kung saan kasama na siya nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros sa pagpunta sa barangay.

Pagkatapos nito ay dumiretso naman siya sa shooting ng pelikulang My Bebe Love, entry sa Metro Manila Film Festival 2015.

Kasama niya rito sina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, at Maine.

Maliban sa mga ito ay tinatapos din ni Alden ang recording para sa kanyang second album sa GMA Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa October 11 ay magkakaroon naman siya ng show sa Japan kasama ang iba pang Kapuso stars.

Ang napakabigat na work schedule ni Alden ay patunay lamang kung gaano siya ka-in demand ngayon.

Pero sa panayam niya noon sa PEPtalk, sinabi ng Pambansang Bae na hindi niya iniinda ang pagod dahil nag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawa.

Itinuturing niyang blessings ang mga trabahong dumarating sa kanya kaya hangga't maaari ay sinusunggaban niya itong lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN