Claudine Barretto and Derek Ramsay bashed over AlDub post

Kahit nasa kalabang istasyon sina Claudine Barretto at Derek Ramsay, naghayag pa rin ang dalawang personalidad ng kanilang paghanga sa phenomenal love team ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza.


Tunay ngang makasaysayan ang naganap na “Tamang Panahon” concert ng Eat Bulaga! noong Sabado, October 24, sa Philippine Arena.

Bukod sa pag-apaw ng humigit-kumulang 55,000 katao sa Philippine Arena, nakakuha rin ng 41 million tweets ang hashtag na #ALDubEBTamangPanahon.

Fourteen million pesos ang kinita mula sa tickets sales; na siyang gagamitin para sa pagpapagawa ng libraries at pambili ng libro sa iba't ibang eskuwelahan sa bansa.

Nagtala rin ng 50.8% rating sa Mega Manila ang nasabing episode, ayon sa AGB Nielsen.

Maituturing din itong first on Philippine television dahil 'no commercial interruption' ang halos apat na oras na palabas.

Hindi lang Kapuso stars ang nahumaling sa phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Pati ang ilang artista na hindi bahagi ng GMA Network ay bilib din sa kilig na hatid ng dalawa.

Kabilang na rito sina Claudine Barretto at Derek Ramsay.



CLAUDINE. Isang simpleng “Love u Aldub!❤️❤️😀😀😀 #aldubfan” ang post ni Claudine noong nakaraang Sabado, kalakip ang kuha niya sa kanyang telebisyon habang nasa stage sina Alden, Yaya Dub, at Lola Nidora (Wally Bayola).

Love u Aldub!❤️❤️😀😀😀 #aldubfan

A photo posted by @claubarretto onOct 23, 2015 at 10:48pm PDT

May mga natuwa man, may mga bumatikos din kay Claudine dahil parang kababalik lang niya sa Kapamilya network.

Nagkataon ding kinagabihan ay ipalalabas ang episode niya sa Maalaala Mo Kaya.

Humingi naman ng dispensa si Claudine sa ilang followers niya na hindi AlDub fan.

Sinabi rin niyang kanyang mga anak ay fans ng AlDub at may mga natututunan daw itong aral mula sa Kalyeserye.


DEREK. Ang Kapatid star namang si Derek Ramsay ay nag-post din sa Instagram tungkol sa makasaysayang episode ng Eat Bulaga.

Sabi niya, “51k people to watch #eatbulaga #aldub at Philippine arena. Amazing!

51k people to watch #eatbulaga #aldub at Philippine arena. Amazing!

A photo posted by @ramsayderek11 onOct 23, 2015 at 10:14pm PDT

May ilang nambatikos pero may nagtanggol naman sa aktor.

Ayon kay, aniger_dg: "I think @ramsayderek11 is just proud of eat bulaga coz he's one of the dabarkads before. LOVE YOU @ramsayderek11 !!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinang-ayunan naman ito ni Derek. Aniya, "Exactly @aniger_dg that's where I started my showbiz career."

Nagsimula sa showbiz si Derek bilang segment host ng "U-Bet" ng Eat Bulaga noong 2001.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN