Zoren Legaspi reveals reason why he and Carmina Villarroel do not want another baby

Kuntento na raw ang mag-asawang sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel sa kanilang kambal na sina Cassy at Mavy kaya wala na silang balak sundan pa ang mga ito.


Labing-apat na taong gulang na ang kambal nina Zoren Legaspi, 43, at Carmina Villarroel, 40, na sina Cassy and Mavy, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nasusundan.

Kaya naman inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Zoren ang tungkol dito sa panayam namin sa kanya noong Huwebes, October 29, sa set ng Marimar sa Marikina City.

Sabi ng actor-director, “Wala na kasing balak sundan... oo.

“Happy na kami, e. Wala namang kulang.

"So, parang ayaw naming paguluhin pa kung anong meron kami ngayon.

“Because now is… I can say the situation is perfect, kaya there’s no need to add na bagets.

“Kasi ngayon, happy naman kami na may lalaki at saka may babae.”

Kumusta naman ang sex life nila?

Medyo naiilang na natatawang sagot ni Zoren, “Okay naman kami. Healthy naman!”

DIRECTING? Halos limang taon na rin ang nakalipas mula nang huling magdirek si Zoren.

Ito ay ang isa sa mga episode ng pelikulang Shake, Rattle & Roll 12 noong 2010.

Sa TV naman, pinamahalaan niya noon ang tatlong TV shows sa GMA: ang Fantastikids (2006), Atlantika (2006-2007), at Fantastic Man (2007-2008).

Hindi ba niya nami-miss ang magdirek muli ng TV show o pelikula?

Sabi ni Zoren, “Ang last directorial job was with Regal Films, ang Shake, Rattle & Roll.

"Mahirap magdirek talaga.

“If you take it seriously, the way I do, na talagang hands on, tatanda ka kaagad.

"So, kailangan paisa-isa lang.

"Pero depende sa ano ko, e... Ngayon, nangangati nga ulit ako to do a soap.

"And when I think about it, na mahirap, na halos walang tulog ka for about four to five months na walang tulog, ready ba ako sa ganun?

“I guess, oo.

"Matagal na akong hindi nakagawa ng soap sa GMA, maybe it's time.

"So, I guess next year."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN