LJ Reyes opens up about relationship with Paolo Contis

LJ Reyes on being happy: "Ang state of happiness ko ngayon, hindi naman siya dependent sa iisang tao. Kasi hindi ko alam kung aware kayo, pero recently baptized ako as Christian. It’s the biggest factor kung bakit ako happy sa buhay talaga. Yung happiness ko, it’s not dependent on the person, it’s more on dependent on my relationship with God."


“Okey naman, happy naman.”

Ito ang naging sagot ng Kapuso actress na si LJ Reyes nang matanong tungkol sa estado ng kanyang lovelife ngayon.

Nitong mga nakalipas na buwan, naging mailap si LJ sa pagsagot sa anumang isyu patungkol sa kanyang lovelife, lalo na nang mabalitang sila na raw ng aktor na si Paolo Contis.

Ano ang ibig sabihin niya ng “happy”?

Paliwanag ng aktres, “Happy… kasi, feeling ko lang kasi, parang may isang tao ngayon na tumutulong sa ‘yo.

“I mean, yun, happy lang…”

Ang tinutukoy na “tao” ni LJ ay ang nababalitang karelasyon niya ngayon na si Paolo.

Dati ba ay walang tumutulong sa kanya?

Paglilinaw ni LJ, “Hindi naman, siguro ganun lang talaga siya as a person.

“Kapag merong special sa kanya, talagang sinasalo niya.

“Kasi kami, nakakapag-usap kami ng kahit ano.

“Kahit anong bagay, napag-uusapan namin.”

Isang diretsong tanong: Sila na ba ni Paolo?

“Basta masaya lang,” nakangiting sagot ng 27-year-old actress.

Walang label?

“Saka na lang nating sabihin yung label kung meron o wala.

“At saka, parang ang sa akin lang kasi, siyempre may mga bagay sa buhay namin na minsan, gusto naming private muna.

"Kasi minsan, di ba, ang hirap kapag lahat ibinibigay, ipinapaalam mo sa lahat.

“Tapos, nagiging kumplikado, kahit dapat hindi naman.

“Kahit naman tungkol kay Aki [LJ's son], kapag nagkukuwento ako sa inyo, ganun lang. Limited, hindi lahat.

“Kahit naman tungkol kanino, kahit naman sino sa buhay ko, ganun naman.

“Gusto ko na kahit paano, may nire-reserve pa rin akong privacy.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa PPL Press Christmas Party na ginanap sa Bella Ibarra, sa Quezon Avenue, Quezon City, nitong Martes ng gabi, December 1.


FROM PAULO TO PAOLO. Biro namin kay LJ, tila hiyang siya sa pangalang Paolo o Paulo, nagkaiba lang sa spelling.

“Grabe ka naman, pinili ko ba yung pangalan?” natatawa niyang reaksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago si Paolo Contis ay naugnay rin si LJ kay Paulo Avelino, ang ama ng kanyang anak na lalaki.

Naisip ba yun ni LJ na pareho ng pangalan ang mga naugnay sa kanyang lalaki?

“Naisip ko naman, pero nakakatawa lang.

“I mean, ano gagawin ko? Common name naman siya!” natatawa pa rin niyang sabi.

Matagal na silang nagkakasama ni Paolo lalo na’t pareho silang Kapuso.

Nakita ba nila ang sarili na magiging ganito pala kalapit sa isa’t isa?

Ayon kay LJ, “Hindi naman, actually hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na mapagbigay ng malisya.

“Especially kapag dumarating ako sa work. Lahat ng tao, tingin ko kaibigan ko, so wala talaga.

“Hindi naman siya ibang tao sa akin na as if hindi ko siya kilala.”

Hindi kaya nagkataon lang din na natagpuan nila ang isa’t isa nung panahong galing sila sa nagwakas na relasyon?

Sagot ni LJ, “Feeling ko, hindi naman.

“Yun nga ang sabi ko lang din kanina, siguro yung timing lang din na naging close kami dun sa time na marami kaming parang common ground.

“Marami kaming napagkukuwentuhan. Parang pareho na kayo ng views sa buhay.”

Gaano siya kasaya ngayon?

Sagot ni LJ, “Actually, ako naman, ang state of happiness ko ngayon, hindi naman siya dependent sa iisang tao.

“Kasi hindi ko alam kung aware kayo, pero recently baptized ako as Christian.

“It’s the biggest factor kung bakit ako happy sa buhay talaga.

“Yung happiness ko, it’s not dependent on the person, it’s more on dependent on my relationship with God.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN