Grace Poe says Jejomar Binay, Mar Roxas behind her disqualification from presidential race

Senator Grace Poe on Comelec second division's decision to disqualify her: “E, sino ba talaga ang magbebenepisyo dito? E, di yung mga katunggali ko na dalawa, na sigurado ako may mga taong yun ang nagpaharap ng mga kasong yun.”


Inihayag ni Senator Grace Poe na ang dalawa niyang kalaban sa pulitika ang diumano'y nasa likod ng mga kasong pagdiskwalipika sa kanya sa Commission on Elections (Comelec).

Matapang na pahayag ni Senator Poe, “E, sino ba talaga ang magbebenepisyo dito?

“E, di yung mga katunggali ko na dalawa, na sigurado ako may mga taong yun ang nagpaharap ng mga kasong yun.”

Kaugnay ito ng disqualification petition na sinampa ni Atty. Estrella Elampora laban kay Senator Poe sa Comelec.

Noong Lunes ng gabi, December 1, lumabas ang desisyon ng Comelec na nagsasabing disqualified si Senator Poe dahil hindi niya nakamit ang 10-year-residency requirement para sa kanyang kandidatura bilang pangulo.

Sabi pa ni Senator Poe, base sa ulat ng Saksi kagabi, December 2, “Alam na ninyo ang mga koneksiyon, basta ganito.

“Nakikita niyo naman sa mga galaw nila.

“Sino ba ang may koneksiyon sa malalakas na mga law firm?”

Sa puntong ito ay direktang tinanong si Senator Poe ng isang reporter kung ang tinutukoy niya ay ang kanyang kapwa-presidential aspirants na sina former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at Vice President Jejomar Binay.

Direktang sagot ni Senator Poe, “Oo, sila naman yun, e.”


PROOF OF 10-YEAR RESIDENCY. Dismayado ang senadora sa desisyon ng COMELEC dahil naniniwala siyang naghain siya ng sapat na ebidensiyang magpapatunay na nakamit niya ang 10-year residency dito sa Pilipinas.


Aniya, “Hindi man lang nila tiningnan na pinaghirapan pa namin ipunin lahat ng pruweba na magpapakita na ako’y naririto na nung 2005.”

Inisa-isa rin ni Senator Poe ang mga dokumentong isinumite niya sa Comelec, “Yung markings po sa aking passport, yung aking mga bata [anak] na dito na po nag-aral.

“Nanganak ako dito nung 2004 pa lamang. Yung aking tax identification number, yung aking tirahan.

“Yung pagbebenta ng ari-arian sa ibang bansa at lumipat dito ng mga kagamitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat po yun ay binalewala nila.”

VP BINAY, ROXAS REACTION TO POE DISQUALIFICATION. Samantala, itinanggi ng kampo ni Roxas ang alegasyon ni Senator Poe kaugnay ng kanyang diskwalipikasyon.

Pahayag ni Akbayan Representative Barry Gutierrez, na siyang spokesperson ng Liberal Party, “There is absolutely no truth to allegations that we’re behind the disqualification cases [against Poe].

“If you try to check, which camp first raised the issue of disqualification?

“If I remember it right, it’s not us.”

Walang direktang pahayag si VP Binay hinggil sa alegasyon ni Senator Poe, ngunit nagkomento siya hinggil sa diskwalipikasyon nito.

Sabi ni VP Binay, “Yung sa SET, question of law yun.

“Itong sa Comelec, question of fact.

“In both cases, kahit sino pang abugado ang tanungin niyo, mahirap na kaso yun.”

Sa kabila ng diskwalipikasyong hatol ng Comelec second division, inihayag ng komisyon na kasama pa rin umano sa balota ang pangalan ni Senator Poe sa ngayon.

Samantala, umapela na ang kampo ni Senator Poe sa Supreme Court kaugnay ng kanyang kaso sa Comelec.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN