LJ Reyes on official status with rumored suitor Paolo Contis: “Happy.”

LJ Reyes on rumored suitor Paolo Contis: “Yung sa amin ni Paolo, nagkataon na nandiyan siya at naging maganda ang pagiging magkaibigan namin. Kaya walang anything official pa talaga sa amin ni Paolo.”


Sa New York magdiriwang ng Christmas ang Kapuso actress na si LJ Reyes kasama ang anak niyang si Ethan Aoki.

Si Ethan ang unico hijo nila ng aktor na si Paulo Avelino.

Naglambing daw kasi ang ina ni LJ na sa New York naman daw mag-Pasko ang apo nito ngayong taon at pumayag naman ang aktres sa hiling nito.

“Gustuhin ko man na dito kami mag-Christmas, nakapangako na ako kay Mommy na dadalhin ko sa kanya ang apo niya ngayong Pasko.

“Paminsan-minsan lang naman maglambing ang mommy ko kaya pumayag ako na doon kami mag-Pasko.

“Pero uuwi rin kami agad bago magsimula ulit ang classes ni Ethan in January 2016.

“Okey lang naman na magtagal kami, kasi wala pa naman akong masyadong pinagkakaabalahan pa.

“Ang iniisip ko lang ay ang school ni Ethan.

“Kaya siguro less than two weeks lang kami sa New York,” pahayag pa ni LJ nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang December 1 sa Christmas party ng PPL Entertainment.

Sinundan namin agad ng tanong kung susunod ba sa New York ang nababalitang boyfriend niyang si Paolo Contis para makasama siya?

“Depende na yun kay Paolo.

“Okey lang naman sa akin kung susunod siya sa amin ni Ethan.

“Welcome naman siya if ever he decides to spend Christmas with us in New York.

“Walang magiging problema sa akin.

“But still, it’s Paolo’s decision kung dito siya or susunod siya,” ngiti pa ni LJ.

NOTHING “OFFICIAL” YET WITH PAOLO. Idiniin ni LJ na wala pang official sa kanila ni Paolo kahit na marami ang naniniwala na may “something” na sa kanilang dalawa.

Unang nabalita na mayroong nabubuong magandang pagtitinginan sa dalawa ay noong patapos na ang teleseryeng pinagsamahan nila na Yagit.

Simula noon ay madalas nang nakikitang magkasama ang dalawa.

Pero tulad nga ni Paolo, hindi rin masyadong nagkukuwento si LJ tungkol sa diumano’y relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tanong kung ano ang official status nilang dalawa, natatawang sagot ni LJ ay “happy.”

“Kailangan ba ang sagot ko ay 'in a relationship?'” sabay tawa niya.

“Wala pa kami sa ganyang level.

“Wala pa akong maisasagot kasi wala naman talaga.

“Yung sa amin ni Paolo, nagkataon na nandiyan siya at naging maganda ang pagiging magkaibigan namin.

“Kaya walang anything official pa talaga sa amin ni Paolo.”

TV APPEARANCES. Bago nga magbakasyon si LJ, sunud-sunod ang kanyang mga ginawang paglabas sa Magpakailanman at Love Hotline.

Nagbalik na rin ang kanyang character na si Inocencia sa GMA primetime teleserye na Marimar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN