Mayor Rodrigo Duterte withdraws gunfight challenge versus Mar Roxas

Mayor Rodrigo Duterte on why he won't push through with gunfight challenge against Mar Roxas: "Hindi naman siya marunong magbaril. Bakit ko hahamunin siya ng barilan, e di mamatay 'yan?"


Inihayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi niya na itutuloy ang hamong makipagbarilan kay former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.

Aniya, “Hindi naman siya marunong magbaril.

“Bakit ko hamunin siya ng barilan, e, di mamatay 'yan?”

Hindi rin daw umano balak makipagsuntukan ng alkalde kay Roxas.

Ito ay sa kabila ng hamon ni Roxas na sila ay magsuntukan sakaling mapatunayang siya ay nagtapos sa Wharton School of Economics sa University of Pennsylvania.

Read: Roxas-Duterte dare each other to fistfight, gun duel

Gayunman, tuloy pa rin ang patutsada ni Mayor Duterte sa kapwa presidential aspirant.

Sabi ng alkalde habang hawak ang kaliwang pisngi, “Nagkonsulta muna ako sa doktor. Sabi niya, 'Huwag ka muna makipagsuntukan kasi may mumps ka baka tamaan.'

“Tsaka ano ba 'yan si Mar, pustiso o hindi? Baka mas malaki ang gastos ko sa danyos.”

Nanindigan din si Mayor Duterte na hindi umano nakapagtapos sa Wharton si Roxas.

“Si Mar, University of Pennsylvania, under grad siya dun.

“He was taking special courses.

“Ang Wharton kasi pala, MBA masters talaga 'yan. Hindi siya pumunta dun.”

Taliwas ito sa ulat ng GMA News na kumpirmadong graduate si Roxas ng Bachelor of Science in Economics sa University of Pennsylvania noong 1979.

Nakatala rin umano ang pangalan ni Roxas sa listahan ng alumnus sa naturang unibersidad.

Gayunman, handa si Mayor Rodrigo na makipag-ayos kay Roxas.

“Hindi na kailangan [mag-sorry].

“Ewan ko, ha. Kaming mga lalaki, wala 'yan.

“Kapag sabi mo ng 'Dre.' Kapag ganun ng kamay niyan, ok na 'yan.”

Ngunit ito ang pahayag ni Mayor Duterte nang tanungin kung siya ang unang makikipagkamay sakaling magkrus ang landas nila ni Roxas, “Siya ang mauna. Siya ang nag-umpisa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN