Angelica Panganiban answers netizen pitting AlDub against John Lloyd Cruz

Angelica Panganiban tells a netizen, who pitted her idol John Lloyd Cruz against AlDub loveteam of Alden Richards and Maine Mendoza, to respect celebs and fans.


Nag-react si Angelica Panganiban sa comment ng isang netizen na ikinumpara ang boyfriend niyang si John Lloyd Cruz sa AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza, na parehong may entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan.

Bida si John Lloyd sa pelikulang Honor Thy Father, na idiniskwalipika sa Best Picture category dahil sa umano'y pagkabigo ng Reality Entertainment na abisuhan ang MMFF executive committee na ipinalabas ang nasabing pelikula sa Cinema One Originals Festival noong November.

Kabilang naman sina Alden at Maine sa pelikulang My Bebe Love, na pinagbibidahan din nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Sa kanyang Instagram account, ni-repost ni Angelica ang post ng actor/make-up artist na si Ricci Chan tungkol sa paghimok sa fans ng iba pang artistang may pelikula sa MMFF na panoorin ang Honor Thy Father, bilang panawagan sa pagsuporta sa mga dekalidad na pelikula, kasunod ng diskwalipikasyon ng pelikula ni John Lloyd sa MMFF Best Picture category.

Naka-tag sa nasabing post ni Ricci ang mga artistang kagaya nina Alden, Maine, Ai-Ai, Coco Martin, Vice Ganda, Jericho Rosales, Jennylyn Mercado, Xian Lim, at Kim Chiu.

Sa comment section, isang netizen ang binatikos ang AlDub at ikinumpara pa kay John Lloyd.

Sabi ng netizen (@kentderson_margaux): “Kahit kailan yang pabebe hinding-hindi mapapantayan ang kalidad nang pag-arte ng iisang JLC! Hindi namn worth panoorin yung movie nila! Ngayon lang kayo sisikat, pero sa susunod hindi na! Walang maidudulot na maganda!”














Sumagot naman dito si Angelica at sinabing hindi kailangang mam-bash ng ibang aktor at mga fans nila.

Giit pa ng Kapamilya actress, kahit sinumang fan ay hindi matutuwa kung idolo nila ang binabatikos.

Nanawagan din siya ng respeto.

“We don't have to hurt other actors and their fans. Pag sa idol po natin ginawa ang mga nasabi nyo, hindi maganda sa pakiramdam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Respeto po sana sa bawat artista na nagbibigay saya at inspirasyon sa atin...

“Merry Christmas po.”

#Repost @_riccichan_ with @repostapp. ??? How do I set up a post about a topic that I'm infuriated about without sounding negative about it? Wait. Ganito na lang: Guys, the power is in our hands. We decide what we want to see, and in turn, what movies will earn. So please support those that we like. Cause no matter what other people say, we have our own set of rules, and we are, at the end, the ones who will be enjoying it. And through that, we will be able to shape the kinds of movies that the yearly "festival" puts out. With that being said, I highly encourage the fans of @aldenrichards02, @mainedcm, @praybeytbenjamin, @msaiaidelasalas, #Bosing, @onecocomartin, @ramsayderek11, @withlovekrisaquino, @mercadojenny, @jerichorosalesofficial, @itspokwang27, @xianlimm and @chinitaprincess to see #HonorThyFather after seeing their favorites on screen. Please share your Christmas spirit with them. They don't ask for anything but your support and fair treatment for this season. By doing so, we keep the industry alive with choices; encourage mainstream actors to participate in edgier material; bring in new blood to our film industry; and at the end, help in the profits for everyone involved. You will also discover how cool @johnlloydcruztm is in this film, promise. And what a gem of an actress we have with @planetumeboshi. So I appeal to the real movers and shakers of this film festival - the audience - to make watching Honor Thy Father a must-do before the holidays end. You will not just be helping the guys who made the film out; you will also be rewarding yourselves, I guarantee. #LetThemHaveTheirAwards #LetsSpreadThisFilmLikeWildfire #LetTheChristmasSpiritTakeOver

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN