FIRST READ ON PEP. Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap are now engaged

Pepito Manaloto star Arthur Solinap proposes to dancer-actress Rochelle Pangilinan at Balay Indang Resort in Cavite, this Saturday evening, February 20. The two have been together for seven years and six months.


Engaged na ang Kapuso stars na sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Naganap ang proposal ni Arthur kay Rochelle sa Balay Indang Resort, sa Indang, Cavite, ngayong Sabado ng gabi, February 20.

Pitong taon at anim na buwan na ang relasyon ng dating miyembro ng SexBomb Girls na si Rochelle at ng Pepito Manaloto mainstay na si Arthur.

Nagsimula ang kanilang pagkakamabutihan nang magkasama sila sa dating afternoon soap ng GMA Network na Daisy Siete.

Ngayon ay magkasama rin sila sa talent management ni Perry Lansigan na PPL Entertainment Inc.

THE SURPRISE PROPOSAL. Walang kaalam-alam si Rochelle sa gagawing proposal ni Arthur.

Ang alam lang daw ng dancer-turned-actress, kaya siya niyaya ni Arthur sa Tagaytay ay para sa post-birthday celebration ng aktor at post-Valentine’s Day celebration nila.

Naiyak nang husto si Rochelle dahil hindi niya inasahang nasa Tagaytay ang kanilang mga magulang, kamag-anak, at ilang malalapit na kaibigan.

Kabilang sa mga nakasaksi sa engagement ng dalawa ay ang mga dating kasamahan ni Rochelle sa SexBomb Girls na sina Sunshine Garcia, Aira Bermudez, at Mia Pangyarihan.

Gayundin ang mga kapwa nila Kapuso stars na sina Andrea Torres, Sef Cadayona, John Feir, at si Michael V kasama ang kanyang misis na si Carol Bunagan.

Si Michael V ay kasama ni Arthur sa sitcom na Pepito Manaloto.

Dumating din ang ilang executives ng GMA Network, sa pangunguna ni Ms. Lilybeth Rasonable kasama ang pamilya nito.

Naroon din siyempre ang mga kapatid nila sa PPL Entertainment Inc.—si Jolina Magdangal kasama ang asawang si Mark Escueta at ang anak nilang si Pele; Angelika dela Cruz kasama ang kapatid na si Mika dela Cruz; Gabby Eigenmann and wife Apples; Max Collins; at ang pinsan ni Arthur na si Dingdong Dantes.

Personal request ni Arthur ang mga kantang “You're Always Be My Baby,” “Tadhana,” at “Photograph” para magsilbing background music sa kanyang ginawang proposal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga awiting ito ay kinanta ng co-PPL artist nina Arthur at Rochelle na si Migz Haleco pagbukas ng Hebron Valley area sa Balay Indang.

Sa naturang lugar napiling gawin ni Arthur ang proposal niya kay Rochelle dahil memorable ito sa kanila.

Doon daw kasi ang location ng taping ng episode ng Daisy Siete kunsaan sila nagkasama.

Natapos ang surprise proposal ni Arthur kay Rochelle sa pamamagitan ng fireworks.

Malaki naman ang pasasalamat ni Arthur kay Charisse Tinio ng Nice Print Photography at sa PPL Entertainment, Inc. na naging katuwang niya sa pag-organisa ng naturang proposal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN