James Yap has yet to tell Kris Aquino and their son Bimby about Michela Cazzola's pregnancy

James Yap and girlfriend Michela Cazzola refused to give an interview following report that the Italian girlfriend of the PBA star is now five months pregnant with their first child.


Tumanggi muna si James Yap na magpa-interview kaugnay sa pagbubuntis ng Italian girlfriend niyang si Michela Cazzola.

Sinagot naman niya ang text ng PEP.ph (Philippine Entertainment Porta) kaninang umaga, February 25, pero sinabi niyang hindi muna sila magsasalita ni Michela pagkatapos nilang aminin ito kay Ricky Lo para sa Philippine Star.

Read: James Yap's Italian girlfriend is pregnant

Tinanong ng PEP kung alam na ba ng dati niyang asawa na si Kris Aquino ang tungkol sa pagbubuntis ni Michela bago ito lumabas sa press.

Ayon kay James, “Di niya alam. Ngayon alam na niya, lumabas kay Tito Ricky.”

Sinundan namin ng tanong kung ito ba yung binanggit ni Kris sa huling post niya sa kanyang website na nagkaroon daw sila ng kaunting di pagkakaunawaan.

Paglilinaw ng PBA player, “Iba yung nagkaroon kami ng konting isyu.”

Tinanong din namin kung nabanggit na ba niya ito sa anak nila ni Kris na si Bimby.

“Di pa kami nagkikita, e,” sagot ni James sa text.

Nagpasalamat na lang si James sa ilang kaibigang nakakaalam sa kalagayan ni Michela, dahil nanahimik sila at hinintay ang pag-amin nilang dalawa.

Nangako naman si James na magpapa-interview sila ni Michela kapag handa na sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN