Vic Sotto ready to have kids with wife Pauleen Luna: "Sagot ko na yun!"

A month after they tied the knot, Vic Sotto and Pauleen Luna talk about their life as a couple in their latest interview in Kapuso Mo, Jessica Soho.


Handang-handa raw si Vic Sotto na magkaroon ng anak sa asawa niyang si Pauleen Luna.

“Akong bahala run. Sagot ko na yun!” biro ni Vic, o mas kilala sa tawag na Bossing, nang tanungin tungkol sa pagkakaroon ng anak sa exclusive interview ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Dugtong pa ng Eat Bulaga! host, “Wala naman problema sa akin yun. Praktisado ko na 'yon.”

Umere ang episode ng KMJS nitong Linggo, February 28.

Apat na ang anak ni Vic: sina Danica, Oyo Boy (kay Dina Bonnevie), Vico (kay Coney Reyes), at Paulina (anak kay Angela Luz).

Handa ba siya physically na mag-alaga ng sanggol?

“Of course, I am. Ewan ko lang kung ipapaubaya niya sa ‘kin,” pagtukoy ni Vic sa kanyang misis.

Sinalo naman siya ni Pauleen, at sinabing handa siyang mag-alaga kung sakaling magkaanak na sila ni Vic.

“Sobrang hilig ko kasi sa kids and babies, so when that day comes, I will definitely give my 100 percent to the baby and to Vic,” sabi ng 27-year-old actress-TV host.

Naganap ang kasalang Vic-Pauleen noong January 30, 2016 sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa.

Read: Vic Sotto and Pauleen LUna are getting married today

DECIDING FACTOR. Makalipas ang isang buwan matapos silang ikasal, sinabi nina Vic at Pauleen na doble ang saya ang nararamdaman nila.

Saad ng 61-year-old comedian-TV host, “Masarap kasi ang tagal ko nang pangarap to settle down.

“Ang tagal ko ring hinintay the right one, at the right time. Finally eto na nga.”

Sundot ni Pauleen, “We’re very happy.

“Nung hindi pa kami married, masaya naman kami.

“Pero nung ikinasal kami, parang nag-double or nag-triple, times 10 yung happiness kasi magkasama na talaga kami. Hindi na naghihiwalay.”

Sumailalim din muna sa seminars sina Vic at Pauleen bago sila ikasal, sa mungkahi na rin ng mga anak ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Vic, “The truth is, suggestion ng mga anak ko yun… ni Danica at ni Oyo.

“It was very fruitful.

“Me, personally, marami akong nalaman na akala ko alam ko na about relationships.”

Nagbiro rin si Vic nang usisain siya ng KMJS host na si Jessica Soho kung may nadidiskubre pa ba sila sa isa't isa.

Sabi niya, “Matagal na kaming magkakilala. Little Miss Philippines pa lang siya, kilala ko na siya. Parang alam ko na lahat!”

Ang tinutukoy ni Vic ay nang sumali si Pauleen sa "Little Miss Philippines" contest ng Eat Bulaga! noong 1995.

Ayon naman kay Pauleen, wala silang pretensiyon ni Vic kahit ngayong kasal na sila.

Inamin din ni Pauleen na hindi pa siya mahusay pagdating sa pagluluto.

Pero sinabi ni Vic na hindi naman siya naghahanap ng mapapangasawang magaling sa pagluluto.

“Hindi totoo sa akin yung ‘the way to a man’s heart is through his stomach.’

“Sa akin, the way to a man’s heart is in the heart talaga.

“[It] doesn’t really matter kung marunong, magaling magluto.”

THE QUIET TYPE. Natanong din si Vic pagdating sa pagiging tahimik nito sa totoong buhay, bagamat kilala siya sa pagiging komedyante.

May reputasyon din siyang moody.

Depensa ni Vic, “Quiet lang talaga ako.

“Nasanay ako dun sa mga Dabarkads akong madaldal: Tito [Sotto], Joey [de Leon], Mr. [Antonio] Tuviera [CEO ng TAPE Productions].

“Kung magdadaldal pa ako, wala nang makikinig sa kanila.

“So, through the years, nasanay ako nung tagapakinig lang, tagasundot lang, taga-suggest lang.”

Pagtatanggol naman ni Pauleen sa asawa, “On the contrary, he’s very different pag kami lang.

“Siguro nga kasi kaming dalawa na lang. Wala siyang choice kundi kausapin ako.”

Ibinahagi rin ni Pauleen ang pagiging sweet ni Vic na hindi nakikita ng tao.

“Sobra. In the morning, I would always catch him kissing me kahit tulog… akala niya tulog pa ‘ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kissing me in my braso, nagigising ako.

“So I find that really sweet.”

ON MISUNDERSTANDINGS. Hindi rin daw nagtatagal kung nagkakaroon sila ng di pagkakaunawaan.

Ayon kay Vic, “Kung meron pang tampuhan… well, we had tampuhan in the past, pero madali namang aregluhin.

“Si Pauleen, ganun din naman ako, konting sorry lang, okay na.”

Dagdag ni Pauleen, “I think with yung four years that we’re together, I think nalaman na namin yung tamang timpla.

“Alam na namin kung ano yung makakapag-inis sa kanya or sa akin, so we really try to avoid it.”

Nakapagpapainis daw kay Bossing Vic kapag may tinatanong siya at ibabalik sa kanya ang tanong.

Pagbubunyag pa ni Pauleen, “Naiinis siya kapag nakakakita ako ng hindi masyadong magagandang comments sa Instagram o social media, and then I tell him pa.

“Ba’t kailangan ko pa kasing basahin. Ba’t kailangan pang ma-involve yung ibang tao sa buhay namin, e, we’re very happy.

“Pag ganun, I just try to avoid it o hindi ko na lang ikinukuwento sa kanya.”

Sa tanong kung sino sa kanila ang mas maalaga, sagot ni Pauleen, “I think ako.

“Sa aming dalawa, ako yung mas caring. Sa akin natural yun for me.

“Hindi naman ako nahihirapan sa kanya.

“It’s my joy and happiness to take care of him.”

Sundot ni Vic, “Madali naman akong alagaan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN