Karla Estrada shrugs off comment that ABS-CBN is favoring JaDine more than KathNiel

Karla Estrada is being tagged as Queen Mother, and it took Kris Aquino to explain to her it's not a bad thing before she can accept it. "'You're the queen ng mga anak mo, lahat naman ng mommies are queens, di ba?' So, okay na, tanggapin na natin yung Queen Mother na 'yan."


Itinanggi ni Karla Estrada ang lumabas na balitang sinita raw niya si Vice Ganda dahil sa pagpo-promote at pagpuri nito sa social media sa pagtatapos ng On The Wings Of Love (OTWOL), ang teleseryeng tinampukan nina James Reid at Nadine Lustre sa ABS-CBN.

Ang JaDine loveteam ay itinuturing na karibal ng KathNiel loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Si Daniel ay anak ni Karla, na matalik na kaibigan naman ni Vice.
  
Diin ni Karla, “Walang katotohanan ‘yan.

“Nakakatawa, nakakalungkot na ang daming kailangang mag-imbento para sa ikasisira ng isang tao.

“At the end of the day, we are all accountable to God.

“Bahala ka na pagharap mo kay Lord, ako bahala na rin ako pagharap ko sa Diyos.”

Kaugnay ng pagtatapos ng OTWOL, na nagkaroon pa ng special nung nakaraang Linggo, marami ang nagsasabing mukhang mas pinapaboran ngayon ng ABS-CBN ang tambalan nina James at Nadine kaysa sa love team nina Daniel at Kathryn.

Ito ay sa kabila ng parehong homegrown talents ng Kapamilya network ang KathNiel habang ang JaDine ay talents ng Viva Entertainment.

Reaksiyon ni Karla dito, “Para dun sa mga nag-iisip na pinababayaan, hindi po totoo.

“Mahal na mahal ng bosses at ng ABS-CBN ang KathNiel.

“Siyempre lahat binabalanse, di naman lahat ibibigay.

“Timing-timing lahat ito kaya huwag kayong mag-alala, chill lang tayo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Karla noong Huwebes, March 3, sa studio ng It’s Showtime.

THE REAL SCORE. Samantala, sa pag-amin nina James at Nadine sa tunay na estado ng kanilang relasyon, marami ang nag-aabang kung kailan aamin ang iba pang love teams na nababalitang may relasyon.

Kabilang rito sina Kim Chiu at Xian Lim, Liza Soberano at Enrique Lim, at sina Kathryn at Daniel.
    
Ayon kay Karla, hindi tipo ng anak niya ang makisabay sa uso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay lang yun, kanya-kanya naman. Kung may aaminin ka, e, di umamin ka.

“Kathryn and Daniel are mature enough para mag-decide kung ano ang gusto nila.

“Sa ngayon, sa nakikita ko, tama naman ang mga ginagawa nila, wala namang sablay dun.
  
“Ako kasi, sa pagkakakilala ko sa anak ko, di yun sumasabay sa uso. Hindi siya ganun.

“Wala tayong aasahang ganun kaya relax lang tayo, mas maraming dapat ikatuwa.”

Dagdag niya, “Masyado kasi nating ini-entertain ang mga negative, huwag ganun.

“Sa mga nangyayari nang biglaan, tulad ng nangyari kay Direk Wenn [Deramas], ang talagang lesson na natutuhan ko sa buhay is enjoy.

“Enjoy mo ang buhay mo, pakawalan mo ang mga nega.

“Paggising mo, dapat ang choice mo, masaya ako ngayong araw na ito.

“Saka alam mo ang inggit, nakakamatay talaga.”

KISSY KISSY. Kumalat sa social media kamakailan ang kuha kina Daniel at Kathryn na tila naghahalikan.

Ngunit ayon kay Karla, simpleng beso lang ito na pinalaki na ng ibang tao.

“Beso lang yun sa basketball, okay lang yun.

“Mabigyan man ng masamang kahulugan, lagi naman na ang katotohanan ang mangingibabaw.

“So, okay lang yun.

“Pasasaan ba at magki-kiss din sila, huwag tayong masyadong atat.”
 
Ipinagtanggol din ni Karla sina Kathryn at Daniel, na kabi-kabila ang tinatanggap na pamba-bash dahil sa pag-endorso nila sa kandidatura ni Mar Roxas bilang presidente.
   
Sabi niya, “Nakita ko na kasi ito, e, nakita ko na lahat ito.

“Actually, hindi naman yung depensa ka nang depensa. May mga bagay na di mo naman dapat idepensa.

“Dapat matuto din tayo na mag-let go.

“Ang tao, may magawa ka mang maganda o pangit, mayroon silang masasabi.

“Hanga’t di below the belt, hangga’t di sobrang kawalanghiyaan ang ginagawa, e, kaya kong palagpasin yun.

“Lagi kong sinasabi ‘yan sa mga anak ko at kay Kat.

“Lalo na ngayon na mayroon kayong iniendorso at isang tao na pinaniniwalaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Expect ninyo na marami because yun naman ang pinakamarumi talaga, e, eleksyon.”

QUEEN MOM. Queen Mother, ito ang turing kay Karla sa showbiz, na hindi niya raw matanggap sa umpisa.

Saad niya, “Nung una talaga, hiyang-hiya ako na di ko maintindihan.

“Pero na-explain naman sa akin ni Kris Aquino.

“Siya ang nagbigay sa akin na, ‘You’re the queen ng mga anak mo, lahat naman ng mommies are queens, di ba?’

“Oo, ako ang reyna para sa mga anak ko, ako ang reyna ng tahanan ko.

“So, okay na, tanggapin na natin yung Queen Mother na ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN