Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli spotted together on different occasions

Maraming tagasuporta ng real-life couple na Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang natuwa matapos mamataan ang dalawa na magkasama at malayang nakakalabas nitong mga nakalipas na araw.


Ikatutuwa ng maraming supporters ng real-life couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang impormasyong nagkaroon ng maraming oras para mag-bonding ang dalawa recently.

Kung pagbabasehan ang ilang latest social media posts ng ilang netizens, namataang magkasama ang sina Sarah at Matteo, o AshMatt, sa tatlong magkakahiwalay na okasyon.

Noong Huwebes, March 17,  nag-post ang isang netizen (@ashjoy_ig) ng litrato ni Sarah kasama ang dalawang babae.

Isang netizen naman ang nagtanong kung saan kuha ang nasabing photo.

Sagot ni @ashjoy_ig, “Nag-firing sila ni Matt,” pagtukoy niya sa target shooting na isa sa mga hilig ng Kapamilya actor-singer.

Sumunod na ipinost ng nasabing netizen ang photo selfie ni Matteo kasama si Sarah.

Kung pagbabasehan ang dalawang larawan, magkapareho ang suot na damit ni Sarah.

Kuha rin daw ang pangalawang larawan sa firing activity ng magkasintahan recently.

Sa tweet naman ng isang netizen (@kingwolvesus) nitong March 16, Miyerkules, sinabi niyang na-meet ng kanyang pinsan sina Sarah at Matteo.

Sinabi ng netizen na nagpunta raw sina Sarah at Matteo sa isang store ng sikat na brand ng motorbike dahil nagpagawa roon ng motorbike si Matteo.

Nag-post pa ang netizen ng larawan ng kanyang pinsan, na nagtatrabaho sa nasabing store, kasama si Sarah.

Sinabi ng netizen na ipinost ng kanyang pinsan ang photo na ito noong March 3.

May isa ring Facebook user ang nag-post noong March 3 ng litrato ni Matteo kasama ang apat na babae.

Ayon sa caption ng Facebook user: “With Gian Carlo (Matteo Guidicelli) of Dolce Amore. Hahaha pogi! Sayang di ko naabutan si Sarah Geronimo.”

Kung oobserbahan naman ang surrounding ng larawan, magkapareho ang board na nakadikit sa pader sa likod ng photo ni Sarah at ang board sa hiwalay na photo ni Matteo.

March 5 naman nang mag-tweet ang isang netizen (@ajvi09) at sinabing ang boxing trainer niya ay ang dating nag-train kay “Bebe Sars” at sa kanyang boyfriend sa bahay ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nag-tweet sa netizen at tinanong kung si Sarah ba ang tinutukoy nito.

Sumagot ang netizen at sinabing ang kanyang boxing trainer ay dating nag-train kay Sarah at sa boyfriend nito sa bahay ni Matteo sa Alabang.

Hindi naman daw natanong ng netizen sa kanyang trainer kung kailan ito nangyari. Pero sinabi niyang iniendorso kasi ng kanyang trainer ang program kung kaya't nagbanggit ng artista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN