John Prats on Angelica Panganiban after her breakup with John Lloyd Cruz: "Alam kong kaya na niya."

John Prats says his close friend Angelica Panganiban is handling well the collapse of her relationship with John Lloyd Cruz. She says, "Okey na siya… napaka-strong."


Masasabing witness si John Prats at mga kasamahan nila sa Banana Sundae sa nagdaang relasyon ni Angelica Panganiban kay John Lloyd Cruz.

Bilang isa sa itinuturing niyang best friend si Angelica, paano sinuportahan ni John ang kaibigan sa pinagdaanang breakup nito?

Pahayag niya, “Well, kami naman sa Banana cast, kaming lahat, we’re all here to support her.

“Kapag kailangan niya kami, nandito lang kami at nakikita ko naman na strong siya.

“Napaka-strong ng babaeng yun and I’m sure mas kaya niya yung pagdaanan.”

Mas mahirap o mas naging madali ba para kay Angelica na i-handle ang nangyari sa pagitan nila ni John Lloyd?

Ayon kay John, “Yun nga e, iba. Siguro iba-iba talaga.

“Basta ang palagi naming pinagpi-pray yung happiness niya,

“Yun ang palagi naming pinagpi-pray, ang buong Banana family.”

Kumusta na si Angelica ngayon?

“Ngayon, okey na siya. Masaya na siya kapag nakakasama namin siya.

“Alam kong kaya na niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN