Pia Wurtzbach explains why Liza Soberano is Miss Universe material

For Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach, Kapamilya star Liza Soberano has the potential to be a beauty queen because of her beautiful face.


Maraming beauty pageant enthusiasts ang nae-excite at umaasang sa Pilipinas gaganapin ang susunod na Miss Universe pageant.

Sa social media pa lang, may enthusiasts na nag-post tungkol sa usap-usapan na ang Pilipinas ang magiging host ng susunod na Miss Universe pageant.

Gayunpaman, wala pang official announcement na inilalabas ang Miss Universe Organization o ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. tungkol dito.

Sa homecoming ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach nitong Huwebes, April 14, sa Novotel Hotel, sa Araneta Center, Cubao, Quezon City, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may katotohanan ba ang balitang ito.

Sagot ng Pinay beauty queen, “I am actively campaigning and we all want the [Miss Universe] pageant to happen here. We want it to happen.”

Sa mahigit 60 years ng Miss Universe, dalawang beses pa lang ginaganap sa Pilipinas ang itinuturing na pinakaprestihiyosong beauty pageant sa mundo; noong 1974 at 1994.

Ayon pa kay Pia, “It hasn’t been confirmed yet.

“I don’t even know on how far are we in making it happen.

“The possibility is always there, but is it a done deal? I don’t know.

“So I can’t give you an answer for that, but, yes, we do want the pageant to happen here.”

ON LIZA SOBERANO. Samantala, natanong din si Pia tungkol sa previous statement niyang si Liza Soberano, sa hanay ng mga artista, ang may malaking potential na sumunod sa kanyang yapak.

Tanong kay Pia: Bakit si Liza ang naisip niya.

Sagot ng reigning Miss Universe, “Beauty of face. Maganda talaga.

“When I was asked at that time, it was just very quick, at the top of my head.

“I thought of commercial beauty na papasa na Pilipina pa rin siya, at yung naisip ko; and she’s young and she can still train.

“There could be other celebrities that can be a Miss Universe, why not? Pero kailangan nilang i-give up ang careers nila dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga lang, mga sobrang sikat na sila, pero kaya siya [Liza] yung nabanggit ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN