Sharon Cuneta approves of Aly Borromeo for daughter KC Concepcion: "Super boto!"

Super-boto raw si Sharon Cuneta kay Aly Borromeo, ang dating Azkals player na idini-date ngayon ng anak ng Megastar na si KC Concepcion. Sabi ni Sharon, "Oo, pero si Aly super boto. Super boto."


Aprubado sa Megastar na si Sharon Cuneta ang bagong manliligaw ng anak na si KC Concepcion—ang dating Azkals player Aly Borromeo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kahapon, May 5, sinabi ng bagong The Voice Kids coach na hindi lang siya boto kundi "super boto" kay Aly para sa kanyang panganay.

Saad ni Sharon, “She’s getting to know this very good gentleman…

“We all like him very much. Lahat naman ng dinate ni KC, parang winelcome naman namin.

“I’m very glad she’s getting to know this person who’s very decent and respectful.

“We like him very much and he’s such a good boy.

“I like him.”

So, boto ba siya kay Aly para maging boyfriend ng anak?

Nakangiting sagot ng Megastar, “Botong-boto!

“Lahat naman ng naging boyfriend niya boto ako.

“Oo, pero si Aly super boto. Super boto.”

Matagal nang single si KC.

Pagkatapos ng relasyon nila noon ni Piolo Pascual, nagkaroon ng bulung-bulungan na naging sina KC at Paulo Avelino.

Pero hindi tuwirang inamin ng dalawa sa publiko ang tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN