Vina Morales seeks support of Robin Padilla in battling Cedric Lee

Vina Morales calls out to former boyfriend Robin Padilla via Instagram: "Bin oh, away ako! Sabi mo pag away ako, sumbong ako sa 'yo."


Tila nagsumbong si Vina Morales kay Robin Padilla kaugnay ng isyung kinahaharap ngayon ng singer-actress sa dating karelasyon na si Cedric Lee.

Si Robin ay dating leading man at ex-boyfriend ni Vina.

Si Cedric naman ay dating karelasyon at ama ng seven-year-old daughter ni Vina.

Naghain kamakailan ng reklamo si Vina laban kay Cedric hinggil sa diumano’y sapilitang pagtangay ng negosyante sa anak nila nang walang pahintulot.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vina Morales files complaint against Cedric Lee for forcibly detaining their daughter

Sa pamamagitan ng Instagram ay nag-post si Vina ng ilang mensahe na tila humihingi ng saklolo kay Robin at maging kay incoming President Rodrigo Duterte.

Kilalang solid supporter ni Duterte si Robin.

Ipinost ni Vina sa Instagram ang larawan ng action star nitong Huwebes, June 9, taglay ang sumusunod na caption:

“Bin, oh, Away ako!!! Sabi mo pag away ako, sumbong ako sayo Utol Kong Hoodlum.”

Naka-tag din si Robin sa nasabing post.

Ang Utol Kong Hoodlum ay ang blockbuster him movie na pinagsamahan nina Robin at Vina noong 1991.

Bin oh Away ako ??????!!! Sabi mo pag away ako, sumbong ako sayo Utol Kong Hoodlum ??? @robinhoodpadilla

A photo posted by Vina Morales (@vina_morales) on

Bukod sa post ni Vina tungkol kay Robin, nag-post din siya ng larawan ni Duterte na may taglay na quote sa ilalim: “Kung bugoy ka, mas bugoy ko sa imo.”

Nasa wikang Bisaya ito na ang ibig sabihin ay “Kung salbahe ka, mas salbahe ako sa iyo.”

Ipinaliwanag ni Vina sa caption na nakita niya ang larawan at ni-repost niya ito dahil natuwa siya bilang isang proud Cebuana.

Isang Bisaya si Duterte na mula sa Davao City.

Sabi pa ng singer-actress sa caption: “I'm not a political person, I'm a person with compassion but I believe that change is coming. Hoping and praying that things will fall into place with my case. Dili ko gusto ug away pero Dili na pud ko magpa daug daug (I'm speaking for myself).”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa Instagram post ni Vina nitong Biyernes, June 10, na may mga katagang “Keep calm and justice will prevail,” isang netizen ang nagkomento na tila binabalaan si Vina sa posibleng gawin ng kanyang dating karelasyon.

Yeah right. Good luck with that @vina_morales..Cedric got away from Vhong and he'll do it again. Justice system is f$&ked up...#truth #OnlyInThePI.”

Sumagot naman si Vina rito at sinabi niyang mas makapangyarihan ang Diyos sa sa lahat at nakiusap na lamang na ipagdasal siya.

 

???????????????

A photo posted by Vina Morales (@vina_morales) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN