Mark Herras swears Winwyn Marquez will be his one last love: "Mark my words, siya na yung last."

Masaya si Mark Herras na nahanap na niya ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay, si Winwyn Marquez. Napag-uusapan na rin daw nila ang pagpapakasal dalawang taon mula ngayon.


Masayang-masaya si Mark Herras na nahanap na niya ang kanyang maituturing na 'one true love' sa katauhan ni Winwyn Marquez.

Hindi raw naging madali ang kanyang pinagdaanan dahil ilang beses siyang binasted ni Winwyn.

Kuwento ng 29-year-old Kapuso actor, “Oo, tatlong beses akong binasted, e. Yes, hindi sumuko.

“Kasi, once na manligaw ka sa isang tao and then binasted ka for the first time, tapos sumuko ka, or ilang beses ka binasted tapos sumuko ka, parang sinasabi mo na, unang-una, hindi ka talaga karapat-dapat sagutin ng tao, kasi naggi-give up kaagad.

“So, if you really like the person, if you are really sure na gusto mo siyang maging karelasyon at makabuo ng future together, ba’t ka naman sumuko basta-basta?

“Ako naman talaga, naniniwala ako na magkakaroon ako ng chance kay Wyn.

“Kasi siyempre, kung gusto mo talaga yung tao, hindi mo naman pababayaan.”

Ano naman ang mga dahilan ni Winwyn noon at tatlong beses siyang inayawan nito?

Sabi ni Mark, “Wala, sinabi lang niya na ayaw lang niya, hindi pa siya ready.”

Taong 2015 daw naging pormal ang kanilang relasyon pero ayaw sabihin ni Mark ang eksaktong petsa. Pero wala pa naman daw isang taon ang kanilang relasyon.

Pahayag ng StarStruck first male winner, “Last year. Kahit papa'no kasi we want to keep it private pa din.

“Pero we're open sa public, ini-express ko naman yung feelings ko sa kanya.

“Pero dun sa mga private part, like sa date, siyempre naman kahit papa'no magtira sa sarili namin."

THE LAST. Bago naging sila ni Winwyn, ang huling naging girlfriend ni Mark ay si Ynna Asistio. Naghiwalay ang dalawa tatlong taon na ang nakararaan.

Pero diin ni Mark tungkol kay Winwyn, “Siya na yung last. Mark my words, siya na yung last.

“E, di magalit kayo sa akin pag hindi siya. Ako, sure na ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa grand presscon ng bagong teleserye ng GMA Network na Sa Piling Ni Nanay.

Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network Center, sa Timog Avenue, Quezon City, nitong Martes ng gabi, June 14.

Ang Sa Piling Ni Nanay ay reunion project nina Mark, Katrina Halili, at Yasmien Kurdi na produkto ng first batch StarStruck, ang reality-based artista search ng Kapuso network.

POSITIVE FEEDBACK. Kahit all-out ang ka-sweet-an nina Mark at Winwyn sa Instagram, gusto raw nilang magtira ng kaunting privacy sa kanilang relasyon.

Saad ni Mark, “Napapansin niyo naman, hindi naman kami nagsasabi ng date.

“Hindi naman kami nagsasabi ng private things about each other.

“I mean, sa tao, we are just happy na maraming natutuwa sa amin.

“I mean, natutuwa kami pareho kasi, di ba, maraming positive na feedback sa aming dalawa.

“And especially sa part ko, kasi siyempre, di ba, laging may mga sinasabing kung anu-ano?

“At least ngayon, more on positive talaga, as in nakakatuwa.”

I guess my favorite place now, is inside your hug. Uhm..Isang order na keso nga po. hahahahaha ????

A photo posted by Wyn Marquez (@wynmarquez) on

Advantage daw sa kanila na nagsimula muna silang magkaibigan bago sila nagkaroon ng relasyon.

Para ipakita raw ang kanyang pagiging seryoso sa kanilang relasyon, marami raw inayos si Mark sa personal niyang buhay.

“Kung mapapansin niyo, siguro ang dami ko rin talagang inayos sa buhay ko.

“Kasi hindi naman dahil… well, for Wyn, and pangalawa, magti-30 na ako this year.

“Well, basically kasi, ayoko naman na may masabi yung tao.

“Kasi si Wyn, matalino, nakapagtapos, and then ngayon nagma-Master's pa siya.

“May business pa siya na nasama pa ako.

“Everything kasi ngayon for Wyn, puwede mong sabihin na perfect.

“So, ayoko naman na sabihin ng mga tao na hindi ako karapat-dapat kay Wyn, kasi ganito ako, ganyan lang ako.”

Napag-uusapan na rin daw nila ang pagpapakasal dalawang taon mula ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN