Vice President Leni Robredo pays President Rodrigo Duterte courtesy visit in Malacañang

Natuloy na rin ang courtesy call ni Vice President Leni Robredo kay President Rodrigo Duterte sa Malacañang ngayong Lunes, July 4. Sa maiksing video na inilabas ng RTVM, makikitang maayos ang naging pag-uusap ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.


Natuloy na sa wakas ang courtesy visit ni Vice President Leni Robredo kay President Rodrigo Duterte ngayong araw ng Lunes, July 4.

Bandang 3:30 ng hapon naganap ang pulong ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa sa Study Room ng Malacanan Palace.

Sinalubong si VP Leni ni Presidential Management Staff (PMS) Secretary Bong Go at sinamahan ito sa kuwartong pagmi-mitingan nila ni Pangulong Duterte.

(Office of the Vice President)

Nagkamay sina Duterte at Leni sa kanilang pagkikita, at inalok ng anumang maiinom ng pangulo ang kanyang pangalawang pangulo.

Hindi maririnig ang kanilang pinag-uusapan sa maiksing video na in-upload ng Radio TV Malacanang (RTVM) sa kanilang website, pero halatang maayos ang nagging takbo ng kanilang usapan.

Matapos nito, hinatid pa ni Pangulong Duterte si VP Robredo sa kanyang sasakyan sa labas ng Palasyo.

Bago sumakay ng kanyang sasakyan, nakipagkamay muna ang bise presidente sa pangulo sabay yuko ng kanyang ulo.

Pabiro namang sabi ng Presidente, “Please do not bow down. Nai-embarrass ako.”

Ito ang pangalawang pagkikita nina Duterte at Robredo matapos ang kanilang pagtatagpo sa change of command sa AFP Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City, noong Biyernes, July 1.

Read: What President Rodrigo Duterte told VP Leni Robredo when they met for the first time


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN