Agot Isidro draws flak, support from personalities over "pyschopath" comment about President Rodrigo Duterte

IMAGE Alven Tangub

Umani ng samu't-saring reaksyon mula sa netizens ang 'psychopath' comment ni Agot Isidro kay President Rodrigo Duterte. Sa showbiz naman, may mga kumutya at pumuri din kay Agot sa paghayag niya ng kanyang opinyon.


Nakahanap ng suporta si Agot Isidro mula sa ilang kaibigan sa industriya matapos naging mainit na usapin ang pagtawag niya kay President Rodrigo Duterte na psychopath o wala na sa tamang pag-iisip.

Read: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'

Sa ulat ng ABS-CBN News ngayong araw, October 10, dinipensahan ng aktres na si Cherry Pie Picache ang kaibigan at kasamahan sa trabaho.

Saad pa niya, may utak at paninindigan din ang mga artistang katulad niya at ni Agot.

Ayon sa award-winning actress, “I know that you’re aware that recently, a colleague of mine na si Ms. Agot Isidro went viral because of her message and her opinion and her stand.

"Gusto ko rin pong sabihin na nakikiisa ako.

“Artista po kami. Nasa arts and culture kami pero may utak po kami at paninindigan at prinsipyo.”

Sa Twitter naman, nag-tweet din ng suporta ang ilang kaibigan ni Agot.

Ilan sa kanila ay ang mga sumusunod:

Sa Facebook naman idinaan ng comedian at showbiz scribe na si Ogie Diaz ang kanyang panawagan na huwag i-bash si Agot.

Samantala, may mga nagpakita rin ng pagsuporta sa Pangulo sa social media.

Kabilang na sa kanila ang radio/TV newscaster na si Erwin Tulfo at ang die-hard Duterte supporter na si Mocha Uson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN